AVP-Chapter Two Part2

1306 Words
Nagmagandang loob ang lalakeng nagnga-ngalang Gabriel na ihatid nalang kami mismo sa malaking bahay namin ni Ate Margareth. Hindi naman na nagprotesta si Yaya at kaagad na pumayag sa suhestiyon ng lalake. Nang makarating na kami sa tapat ng aming kulay itim na gate ay hinawakan ni Yaya ang kamay ko at tinulungan akong makababa mula sa kotse. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Ate. Hinihintay ko siyang bumaba pero mukhang wala siyang balak na bumaba sa kotseng iyon. Bahagyang bumukas ang salamin ng bintana sa unahan ng kotse at nakita ko doon si Ate Margareth na bahagyang inilabas ang kalahating mukha. Noo hanggang ulo lang ang nakikita ko sa kaniya. "Yaya Rose, wag na po sana itong mauulit," may pagbabanta sa boses ni Ate." "Oo, Margareth. Pasensya kana sa akin, Anak." batid kong malungkot ang boses ni Yaya at kasalanan ko naman iyon. Nagui-guilty tuloy ako. Napagakagat ako sa aking ibabang labi. Nagpaalam lang ulit siya sa akin na bukas pa daw siya makakauwi dahil may mga trabaho pa daw syang dapat na tapusin. Ibang-iba ang tono ng bawat salita na binibitawan ni Ate, matigas iyon at may diin. Ibang-iba din siya kapag nasa bahay lang at kami lang dalawa. Malumanay siya doon at saka malambing kumpara ngayon na parang ang tapang ng datingan niya. Nawawala ang inosenteng hitsura niya. Naalala ko ang naging reaksyon ni Ate kanina nung nalaman niya na isinama ako ni Yaya. Para syang may itinatago na ayaw nyang ipaalam sa akin. At bakit siya sumasama sa lalake dis oras ng gabi? Akala ko ba may trabaho siya, pero bakit ng makita ko siya kanina ay palabas na siya ng building na iyon? Napansin ko rin ang pag bow sa kanya nung dalawang lalaki na malaki ang pangangatawan, para syang isang reyna sa mga napapanood ko sa television. Napatingin naman ako sa lalaking nasa driver seat na matamang nakatingin lang at nakikinig sa amin. Pinagmasdan ko ang hitsura niya. Matangos ang ilong nito, medyo bilugan ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at maganda ang hugis ng panga. Pero ano kaya ang relasyon niya sa Ate ko? Nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang tumingin sa akin. Nakita niya siguro ang pagtitig ko sa kanya? Wala naman masama sa ginawa ko. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya? Nakita kong tumaas ang kabilang sulok ng labi niya kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Matapos magpaalam sa akin ni Ate Margareth ay sinigurado muna nila na nakapasok na kami sa loob ng garahe bago sila tuluyang umalis. NAULIT lang ang nangyari. Hindi na naman umuwi si Ate Margareth sa oras na ipinangako niya sa akin. Sa pagkakataong ito ay mas lumala pa. Halos magdadalawang araw ng hindi siya umuuwi at sobrang nag aalala na ako sa kanya. Hindi ako mapakali sa pwesto, wala akong alam kung sino ang pwede kung pagtanungan tungkol kay Ate dahil hindi ko naman kilala ang mga kaibigan niya. Maliban lang dun sa lalakeng kasama niya nung huli kaming nagkita. Pero paano ko naman itatanong sa kanya si Ate, ni hindi ko naman alam kung saan yun nakatira. Gusto ko rin sanang puntahan siya doon sa pinagtatrabahuhan niya kaso sabi ni Yaya Rose ay hindi daw ako papapasukin doon dahil menor de edad pa daw ako, isa pa baka daw lalong magalit sa kaniya si Ate kapag nalaman na sinamahan niya ulit ako doon. "Bakit kaya, ano kayang meron sa building na iyon?" Wala rin akong kontak kina Mommy at Daddy dahil ayaw pa akong pagamitin ni Ate ng mga gadgets dahil makakasama daw iyon sa kalusugan ko. Ipinakakausap lang sila sa akin ni Ate sa tuwing tatawag sila sa amin. Sinubukan kong papuntahin si Yaya Rose sa building na iyon pero bigo din siya dahil wala daw doon si Ate Margareth. Sabi pa daw sa kanya ay magdadalwang araw na din daw na hindi pumapasok si Ate sa trabaho niya. "Eh yaya.. Kung ireport na po kaya natin sa police?" tanong ko kay Yaya. "Anak, pano kung ireport natin siya pagkatapos ay bigla syang umuwi? Baka naman nagbabakasyon lang siya kasama yung lalakeng iyon. Mukha naman silang magkasintahan diba?" sabi naman ni Yaya. "Yaya, hindi po yun gagawin ni Ate, hindi niya po ako iiwan ng walang paalam." paninigurado ko pa. Mahal ako ni Ate kaya hindi niya magagawang pag-alalahanin ako ng ganito ng dahil lang sa pagsama sa lalakeng iyon. "Kung sabagay tama ka naman sa sinabi mo," sumusukong sabi ni Yaya. "BREAKING NEWS!!!" Sabay kaming napatingin ni Yaya sa television dahil sa balitang biglang lumabas sa gitna ng pinapanood namin ng teleserye. "Isang babae ang natagpuang patay at walang saplot sa loob ng isa sa kilalang hotel dito sa Pilipinas," Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kinabahan ako kaagad. "Base sa mga pagkakakilanlan na nakuha sa kanya ay kinilala syang si Margareth Montemayor, Isa sa anak ng kilalang Businessman dito sa Pilipinas at ganun din sa ibang bansa. May tama ito ng baril sa kanyang dibdib habang nakatali ang mga kamay at nakapiring ang mga mata. Hindi pa malinaw ang Imbestigasyon ng mga pulis pero sa tingin nila ay pinaglaruan muna ito pagkatapos ay ginahasa." yun lang at pinatay ko na ang TV. Hindi ko kinaya ang balitang iyon, napahagulgol ako ng iyak. Naninikip ang dibdib ko, halos hindi na ako makahinga. Hindi ko matanggap. Ayaw kong maniwala! Hindi yung si Ate! Hindi! "Yaya si ate..."Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Iyak lang ako ng iyak. "Mommy... Daddy..." Tawag ko sa kanila sa gitna ng pagiyak ko kahit alam ko naman na wala sila at lalong hindi nila ako maririnig. "Yaya.. bakit? Bakit sinapit ni Ate ang bagay na iyon? At sino ang may lakas ng loob na gawin iyon sa pamilya ko?" ang dami kong tanong pero hindi nagsasalita si yaya na ngayon ay umiiyak narin. Nakayakap lang siya akin habang hinahagod ang likod ko. Hindi totoo ang balitang yan. Alam kong hindi si Ate Margareth yan. Baka nagkakamali lang sila. Paano mapupunta si Ate sa isang hotel. Ano naman ang gagawin niya doon? May bahay naman kami, napakalaki nito para sa aming dalawa lang. Gusto kong papaniwalain ang sarili ko. May kumontak kay Yaya Rose dahil numero niya pala ang nakalagay sa In Case Of Emergency ni Ate pero sa akin ang pangalan. "Is this Natalia Montemayor?" tanong ng nasa kabilang linya. Naka-loudspeaker si Yaya kaya naririnig ko ang paguusap nila. "Sige mamang pulis, papunta na kami." at pinutol na kaagad ni Yaya ang tawag. Agad kaming nagtungo ni Yaya sa nasabing hospital na pinagdalhan sa kapatid ko. Nang makarating kami sa nasabing hospital ay nagmamadali kaming pumasok at ipinagtanong kaagad ang record ni Ate at itinuro kami sa morgue. Habang papalapit ako sa bangkay ni Ate sa ay hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Nakatakip ang buong katawan niya ng isang puting kumot. Kinausap ni Yaya ang mga pulis na nakakita kay Ate, nagtanong tanong siya sa mga doctor ng hospital at sa suspek kung sino ang gumawa nito kay Ate. Katabi lang ako ni Yaya habang nakikinig sa usapan nila. "Sir, May na lead ba po ba kayo kung sino ang pumatay sa alaga ko?" mangiyak ngiyak na tanong ni Yaya. "Sa ngayon po, nakapagtanong tanong na kami ng ibang impormasyon at sa mga nakakita. Ayon po sa club na pinagtatrabahuhan niya. Simula ng sunduin siya ni Mr. Gabriel De Leon ay hindi na siya pumasok pa ulit sa trabaho. Nakuha narin namin ang panayam ni Mr. De Leon, ngunit wala kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Maimpluwensyang tao si Mr. De Leon kaya naman hindi kami basta basta makakalapit sa kanya. Palaging ang abogado niya lang ang humaharap sa amin." mahabang paliwanag ng pulis kay Yaya. Club? Gabriel De Leon...?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD