AVP-Chapter Three

1267 Words
Hindi pa malinaw ang imbestigasyon sa kaso ni Ate Margarette at wala din maiturong suspek ang mga pulis. Kahit daw yung Gabriel na yun ang kasamang umalis ni Ate Margareth sa club ay hindi rin daw nakakasigurado na ito rin ang pumatay sa kapatid ko. Malinis daw ang pagkakagawa ng salarin at walang bakas na naiwan doon sa hotel na pinangyarihan ng krimen. Nagpasalamat ako dahil sa wakas ay dumating na rin sina Mommy at Daddy. Patakbo akong yumakap sa kanila. Nandito pa rin kasi kami ni Yaya sa pinagdalhan na morgue kay Ate Margareth. Mula sa pagkakayakap ay bumitaw sa akin si Mommy at dahan-dahan na lumapit sa katawan ni Ate Margareth na ngayon ay inaayusan na. Nilalagyan na ng make up ang mukha nito. Umiiyak si Mommy habang hinahaplos ang magandang mukha ni Ate na ngayon ay parang natutulog lang. Lumapit naman si Daddy at tumulo na rin ang luha, sa nakita kong eksena ay tuluyan na naman tumulo ang luha ko. Hindi na yata ako naubusan ng luha. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na wala na talaga ang Ate Margareth ko. Alam kong ang lahat ng nakasanayan ko ay magbabago na. Ako na lang palagi mag-isa at wala na akong makakasamang Ate kapag umaalis sina Mommy at Daddy kapag mag-a-out of town sila. Wala naring Ate ang mag aasikaso sa akin tuwing umaga at ipagluluto ako ng almusal. Wala nang Ate ang tatabihan ako kapag nahihirapan akong matulog sa gabi. Wala nang Ate ang magmamahal sa akin na kagaya ng pagmamahal niya. Wala na. Napahagulgol na naman ako. Napatakip na lang ako sa mukha ko habang umiiyak ako. Mugtong mugto na ang mga mata ko dahilan sa halos tatlong araw na akong palaging umiiyak at walang maayos na tulog. Ang sakit sakit lang. Napakarami naman ng masasamang loob diyan pero bakit ang Ate ko pa ang napili nila? Bakit si Ate pa? "Mahal na mahal kita. Ate Margareth ko..." INASIKASO nina Mommy at Daddy ang kaso ni Ate Margareth. Sinabi pa nilang handa silang magbayad ng malaking halaga mahuli lang ang taong gumawa nito sa kapatid ko. Magbibigay din sina Mommy ng isang milyong pabuya para sa nakakita at nais tumestigo para sa kaso ng Ate ko. Ngunit bigo kami. Wala ni isa ang sumulpot upang magbigay ng testimonya. Kahit CCTV ay burado na rin sa pinagyarihan ng Krimen. Mukhang planado ang lahat ng pangyayari na ginawa nila sa Ate ko. Maimpluwensya na ang pamilya namin ngunit sa tingin ko ay mas maimpluwensya sila dahil nagagawa nilang pagtakpan ang kahayupang ginagawa nila. Halos magngalit ang ngipin ko sa galit na nararamdaman ko. Nalaman kong isang club pala ang pinagtatrabahuhan ni Ate Margareth. Isang malaking club na kapwa mayayaman lang ang pwedeng makapasok. Nakakapagtaka naman ako kung bakit nagtrabaho si Ate Margareth doon sa club na iyon. Maging sina Mommy at Daddy ay wala rin kaalam-alam sa mga pinaggagagawa ni Ate dito sa pinas. Hindi rin sila makapaniwala na magagawa ni Ate na pumunta sa isang hotel dahil iba ang pagkakakilala nila/namin kay Ate. Ibang iba dahil napakapino niyang kumilos. Mahinhin at hindi kakikitaan ng kakaibang pag-uugali. Para sa akin ay napaka-perfect ni Ate Margareth sa paningin ko At dahil walang matibay na ebidensya ay hindi magawang arestuhin ng mga pulis si Gabriel De Leon. Ni hindi man lang nila ito magawang lapitan o kaya ay makausap para malaman kung ano ba ang nangyari noong huling magkasama sila ng Ate ko. Ang sabi daw ng Abogado nito, ang pahayag daw ni Gabriel ay inihatid lang niya ito sa may tapat ng 5-star hotel at pagkatapos nun ay umalis na rin daw ito. Bagay na hindi ko naman dapat na paniwalaan. Kung may paraan lang para makausap ko ang Gabriel na yun ay ginawa ko na. Kaso ni katiting na pag asa ay wala akong nakikita. Sa ngayon. Kung hindi mabibigyan ng mga pulis ng hustisya ang kapatid ko ay ako mismo ang gagawa niyon. Sisingilin ko siya sa pagkakautang niya. Buhay ang inutang niya kaya naman buhay din ang kabayaran na sisingilin ko sa kanya. "Maghintay ka lang Gabriel De Leon. Pagdating ko sa tamang edad at kaya ko na ang lahat ay hahanapin kita .At ako mismo ang papatay sayo." Bagay na itinatak ko sa isipan ko. Sa murang edad ko ay galit at poot ang namuo sa buong pagkatao ko. Hindi niya magagawang takasan ang kasalanan niya dahil nasa mga kamay ko na ang kapalaran niya. "Ipinapangako ko sayo Ate, pagbabayarin ko siya sa kasalanang ginawa niya sayo. Minsan ko nang nakita ang hitsura niya. Tinandaan ko bawat sulok at anggulo ng mukha ni Gabriel at alam kong hindi ko magagawang kalimutan ang itsura niya. Itatatak ko na yan sa isip at utak ko. Lalong lalo na sa buong pagkatao ko. Hindi ko namalayan na naputol na pala ang lapis na hawak ko habang ini-sketch ko ang mukha ni Gabriel De Leon. Dumaan ang isang lingo at nailibing na si Ate Margareth. Ngunit wala pa rin na nahuhuli kahit isa lang lang sa pumatay sa kapatid ko. Nanlulumo akong nakatingin sa kabaong nyang unti unting lumulubog sa ilalim lupa. Salitan lang ulit tumulo ang luha ko. Huling patak ng luha ko para kay Ate Margareth at agad ko rin itong pinunasan gamit ang hintuturong daliri ko sa kamay. Sandaling ngumiti ako. Inihulog ko ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong niya. "Paalam Ate Margareth. Mahal na mahal kita." Wika ko habang nakatigin sa langit. Iniimagine kong nakatingin siya sa akin at nakangiti. Pero paano siya makakangiti kung hindi siya mabibigyan ng hustisya? NANG DAHIL sa nangyaring iyon ay naging maingat na sa akin sina Mommy at Daddy dahil baka isa daw ang pumatay kay Ate sa mga napabagsak nilang kumpanya. Baka daw naghihiganti ito sa kanila dahil hindi matanggap ang pagkatalo ng mga ito. Maaaring ganun nga pero walang kasiguraduhan ang bagay na iyon. Mahirap maniwala sa mga kuro-kuro lang. Hindi na rin nila ako pinapasok sa eskwelahan, sa bahay na lang nila ako pinag aral. Hindi ko gusto ngunit wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan nila dahil para din daw sa kaligtasan ko ang gagawin nila. Nagtiyaga ako ng palagi akong nakaharap sa computer. Ngunit kadalasan na ginagawa ko ay pag-aaral kung paano gumamit ng baril. Hanggang sa pagtatapos ng pag aaral ko ay hindi man lang ako nakaranas na umakyat man lamang sa entablado. Inaabangan ko pa naman sana ay ang College life dahil masaya daw kapag nasa kolehiyo kana. Ngunit dahil nga sa nangyari sa Ate Margareth ko ay wala ako ni isang kasiyahan naranasan. Wala kahit isa. Para akong isang kriminal na itinatago nina Mommy at Daddy dito sa loob ng bahay. Masalimuot at walang kabuhay buhay. Alam ng nakararami na dalawa kaming anak nila Mommy at Daddy pero ni isa sa kanila ay walang nakakakilala sa akin. Maliban lang kay Yaya Rose. Kaya naman nung sinabi ni Mommy na ipapakilala niya ako sa mga Amiga niya ay kinabahan akong bigla. Pakiramdam ko ay hindi ako sanay humarap sa ibang tao. Nasanay na ako na palaging mag isa at walang nakakakita kundi kami kami lang nila Mommy at Daddy at ang tutor ko. Si Yaya Rose ang madalas kong kasama sa loob ng malaking bahay namin lalo na kapag wala sina Mommy at Daddy. Pero pabor din pala ito sa sakin dahil sa paghihiganting gagawin ko. "Watch me from Ate Margareth. Mabibigay ko din ang hustisyang nararapat para sayo." I smirked habang nakahawak sa litrato ni Gabriel na ako pa mismo ang gumawa. I hate you for killing my Ate!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD