Nang makauwi si Natalia sa Condo nya ay agad nyang tinawagan si Anthony para makibalita kung ano nang lagay ng naging imbestigasyon nila tungkol sa Yaya nya. Nang maalala alang nyang may CCTV Camera nga pala sa mansyon nila. Simula kasi noong mamatay ang Ate Margareth nya ay pinalagyan na ito ng Mommy nya. Matagal na nga lang nya itong hindi nachecheck dahil wala naman syang kahina hinalang nararamdaman. Maliban lang sa palagiang pag alis ng Yaya nya. Isa pa yun sa naging palaisipan kanya. Hindi naman nagtagal ang pagring ng cellphone ni Anthony ay sinagot na nito ang tawag nya. "Hellow Anthony? Ano nang balita? May nakita ba kayong ebidensya? Kahit sa CCTV footage man lang?" Sana naman ay meron, kahit pagkakakilanlan lang sa taong pumatay kay Yaya. "CCTV? I think matagal na iton

