Napatingin ako sa pumasok. Waiter iyon na may dala ulit na juice. Ibinigay lang sa akin at lumabas na ulit ng silid. Umupo muna ako ipinatong ko sa center table ang juice na ibinigay sa akin ng waiter at naghintay ng ilang minuto. May nakita akong magazine at nagbasa para hindi ako maburyo. Kinakabahan ako. Ano kayang klaseng interview ang gagawin at bakit kailangan dito pa sa mismong kwarto na naririto? Pwede naman sa ibang lugar o kaya ay sa mismong opisina niya. Napaisip ako. Hindi kaya? Shocks! wag naman sana! Hindi rin nagtagal ay may lumabas ng banyo. Nagulat pa ako at biglang napatayo. So, kwarto nga ito? Bagong paligo at nakatapis lang ito ng tuwalya, hindi ko na nagawang tingnan ang mukha niya dahil automatikong napatakip ako sa aking mga mata at biglang tumalikod sa kanya

