"Let her in, she's with me." Napasinghap ako sa lalake na biglang nagsalita sa likuran ko. Unti unti akong tumingin sa likuran ko at nakita ko ang pamilyar na mukha na matagal ko ng hinahanap. Kilala nya kaya ako? I mean namukhaan niya kaya ako? Bata pa naman ako nun nung nakita niya ako at isang beses lang yun. Well sana ay hindi! Wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya. Nilampasan niya lang ako at dirediretso na ito papasok sa loob ng club. Napatingin naman ako sa babaeng naglilista ng mga pangalan sa mga tao na pumapasok dito sa club. "Maam, makakapasok na po kayo," at nagbow pa sa akin na ipinagtaka ko naman. "O-ok," tipid kong sagot dito at hinila ko na si Yaya papasok sa loob ng club. Pagkapasok namin sa loob ay napatakip agad si Yaya ng kanyang ilong sapagkat maaamoy mo

