Nagising ako sa isang malakas na buhos ng ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat. Napayuko ako bigla at napatakip sa aking tenga. Naalala ko si Ate Margareth dahil sa tuwing ganito ang panahon ay kaagad syang tumatakbo sa kwarto ko para yakapin ako at para patahanin. Sa tuwing ganito ang panahon ay hindi sya nawawala sa tabi ko. Lagi nyang pinagagaan ang loob ko. I miss you so much Ate... Ilang sandali pa ako sa ganoong pwesto hanggang tumila na ang ulan at naging tahimik na ang panahon hanggang sa nakatulog na ulit ako. Kinaumagahan ay isang text message ang bumungad sa akin mula sa hindi kilalang numero. Binuksan ko ito at binasa. "I know who you really are." Yun ang sabi sa text. Napakunot ang noo ko. Bigla akong kinabahan. Tinawagan ko kaagad ang numero pero nakapatay na agad ang c

