Umuwing akong parang lutang. Nahintakutan ako sa sinabi sa akin ng lalake . Pero anong alam nito? Kilala kaya nito sina Gabriel at Brando? At saan naman kayang lupalop nagpunta si Gabriel at bigla bigla nalang umaalis ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Gustong kong matawa sa aking sarili sa huli kong tinuran. Bakit nga naman sya magpapaalam sa akin? Ano ba niya ako? Ipinilig ko ang aking ulo sa isiping iyon. Masyado yata akong naging assuming sa part na yun. Magtatanghali na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko. Si Ate Margareth ba ang isa sa mga inialay nila? Yun ang aalamin ko. Biglang naalala ko ang box na naglalaman ng mga litrato ni ate sa lugar ng krimen. Ayaw ko na sana itong makita pero parang gusto ko ulit tingnan a

