Habang hinahalikan niya ako ay parang natauhan ako. Nag ipon ako ng lakas para maitulak siya at nagtagumpay naman ako. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Ramdam ko ang lakas niyon dahil ramdam ko rin ang hapdi sa aking kamay. Ngunit nagkamali yata ako sa ginawa ko dahil mas lalo ko pa yata syang ginalit. "Why? Hindi mo ba nagustuhan? Kung ganun ay mas magaling siya kesa sakin!" pang uuyam pa nito. Lalong nagpantig ang tenga ko sa narinig ko sa kanya. Bahagya akong natawa. Ano bang pinagsasabi nito na mas magaling siya? Hindi pa naman namin natitikman ang isa't isa ah! Hanggang halik pa lang naman! "Ganyan ka ba talaga sa lahat ng bagong prostitute dito? Gusto mo ikaw muna ang mauunang tumikim bago ang customer mo?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Unti unting umuusbong ang galit ko p

