Nakakaisang linggo na pala ako sa club na iyon ngunit wala parin akong nahahanap na maayos na impormasyon sa mga customer na nakakausap at nakakasalamuha ko. Sunday ngayon at naisipan kong hindi muna pumasok sa trabaho ko. Gusto kong magpahinga at makabawi man lang ng tulog kahit isang araw lang. Tatawag nalang ako kay sir Gabriel mamaya. Sana ay pumayag ang mokong. Maghapon akong nag stay lang sa kwarto habang pinagtatagpi tagpi ko ang mga kwento ng customer na nakilala ng ate ko ilang taon na ang nakakaraan. May mga gusto akong intidihin at gustong maunawan dahil hindi rin ako makapaniwala sa ibang kwento nila bukod sa mabait at magiliw ang ate ko sa kanila. Kwento naman nung isang matanda na pagkakita pa lang sa akin ay napagkamalan kaagad akong si Ate Margarette kaya agad akong su

