Hindi ko alam ang gagawin ko kung uuwi ba ako o ipagpapatuloy ang trabaho ko ngayong gabi dahil okupado ang isip ko ng mga halinghing na narinig ko kanina lang. Maaring wala pa akong karanasan pero hindi naman ako ganun ka inosente sa mga ganung bagay dahil nga sa binalak kong paghihiganti ay maging ang panonood ng mga erotic na palabas ay ginawa ko na rin. Hindi mawala-wala ang inis ko. "Bahala na sila kung papaalisin na nila ako sa club," nasabi ko sa gitna ng inis ko. Really Nat? Bakit parang ang babaw naman ata ng dahilan mo para maisip mo yan. Tss! "Ah basta! naiinis ako sa kanya!" Maktol ko pa sa aking sarili. Para na akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganun na lang ang naramdaman ko sa narinig. Although wala talaga akong nasaksihan o nakita m

