Araw ng kasal ni Mom at Dad. Nasa simbahan kami at hinihintay ang pagsisimula ng procession. Kulay pink ang motiff ng kasal kaya pink off shoulder long gown na may slit sa gilid ang suot ko. Ilang minuto nang magsimula na ang procession. Ako ang maid of honor ni Mom kaya naglakad ako bago siya. Habang naglalakad iniimagine ko na kasal ko ang araw na ito. Kasal namin ni Ninong. Napatingin ako sa kanya na nakaupo. May hawak siyang cellphone. Alam kong kinukunan niya ko ng video. Marami akong pictures sa cellphone niya kaya siguradong hindi niya palalagpasin ang araw na ito na hindi ako kuhanan ng pictures at video. Bigla uling bumalik sa imagination ko na araw ito ng kasal namin at iniisip ko kung ano kaya ang feeling na naglalakad sa aisle habang nasa unahan si Ninong ng altar at hinihi

