May pagtataka at kaguluhan ang nakikita ko sa mukha ng mga magulang ko at feeling ko ito na ang simula ng lahat. Lumuhod si Ninong sa paanan ko para isuot sa akin ang garter habang nakaupo ako. Hindi mawala wala ang ngiti niya at pamumungay ng mga mata. Masaya siya dahil alam niya ang ibig sabihin nito at masayang masaya rin ako. "We are getting married next week, my love!" Sabi niya nang simulan na niyang ipasok ang garter sa paa ko. "Oo, mahal ko!" Mahina kong sabi. Tahimik sa paligid na kaiba sa mga kasalan na nadaluhan ko kapag nasa ganito ng sitwasyon. Kapag ganito usually nakakabingi ang hiyawan, tawanan at palakpakan ng mga tao para tuksuhin yung nakasalo ng bulaklak at garter. Pero ngayon tanging tunog lang ng sound system ang naririnig ko. Seryoso ring mga nakatingin sa aming

