"Si Craig ba yan?" Tanong ni Mom. Lumapit siya sa'kin at tinignan ang cellphone ko. Bigla naman akong namutla at agad nag isip ng idadahilan sa kanya. I quickly dropped the call. Ang nasa isip ko hindi niya pwedeng makita na nagtatawagan kami ni Ninong. Papalapit na si Mom sa akin. Nakita ko si Kalix sa conversation list ko sa messenger kaya agad ko siyang vinideo call. Wala na kong maisip na ibang way. At no choice ako kundi gawin 'yun. Agad na sinagot ni Kalix ang call ko. Ang lapad pa ng ngiti niya sa screen. Saktong tinignan ni Mom ang cellphone ko at siya ang nabungaran niya. "Si Kalix?" Kunot noo niyang sabi. May pagtataka sa kanya na kausap ko si Kalix. "May tinatanong lang po kasi siya Mom." Pagdadahilan ko. Nasa mukha naman ni Kalix ang nagtataka sa sinabi ko. "Okay! Huwag ka

