Hinawak ko ang isa kong kamay sa legs ni Ninong pag upo ko para kumalma siya. Tumingin siya sa akin. Tingin ko kahit papano kumalma rin siya. Hinawakan rin niya ang kamay ko at kumalma rin ako. Bumitiw na ako sa kanya nang magsimula na kaming kumain. "Kalix kumusta naman ang Auntie Tracy mo? Matagal na kaming walang communication since pumunta kami ng U.S, hindi ko alam na board member na pala siya sa Lateneo." Tanong ni Mom kay Kalix. "Opo, okay naman po. Hinihingi po pala niya ang contact number niyo. Gusto niya po yatang makipagkita sa inyo." Sagot naman ni Kalix. "Ah sige mamaya ibibigay ko sa'yo?" Nakangiting sabi ni Mom. "Kilala mo ba si Abel Enriquez? Dati din siyang MVP sa Lateneo." Tanong ni Dad kay Kalix. "Ah si Sir Abel po, isa po siya sa trainor namin. Nahasa ako sa basket

