Hinintay ko si Ninong sa kotse niya matapos namin mag usap ni Lorraine. Ilang minuto lang nang dumating siya. Agad niyang pinisil ang ilong ko pagpasok niya sa kotse. "You're with Kalix again." Sabi niya sabay pisil ng ilong ko. Sinamaan niya ko ng tingin. "Eh si Ninang kasi tinawag si Kalix habang nag-uusap kami kaya magkakasama na kaming nagpunta sa canteen... Kasama si Lorraine." "Kahit na. Napipikon ako sa tuwing tinutukso kayong dalawa eh." Sabi niyang nasa itsura talagang naiinis. "Talaga? Kaya ba masama ang mukha mo kanina dahil dun?" Tanong ko. "Of course! Sino ba namang boyfriend yung matutuwa na maririnig mong tinutukso sa ibang guy yung girlfriend mo." Matalim siyang tumingin sa akin. Kahit ganun ang mukha niya nakuha ko pang matuwa na nagkakaganun siya. Iniisip ko kasi n

