Maaga akong nagising ng araw ng sabado. Napatingin ako kay Ninong sa tabi ko na himbing pa rin sa pagkakatulog. Nakadantay ang braso niya sa tiyan ko para yakapin ako at pakiramdam ko nahirapan akong makahinga sa bigat nun, braso pa lang niya parang bakal na. Napakatigas kasi ng muscles niya. Napakatibay kaya napakalakas. Nagmistulang parang unan ang braso ko sa lambot kumpara sa braso niyang parang bakal. Hinaplos ko ang malaki niyang tattoo sa braso. Nalaman kong TIMELESS LOVE pala ang ibig sabihin ng tattoo niya na nakasulat sa letrang baybayin. Mula nang maging kami natuklasan kong napaka romantic niya pala, ang sarap niya magmahal. Dati kasi iniisip ko na kasinlamig siya ng yelo, yung tipong hindi showy kapag nagmahal, pero mali pala ako dahil halos segu-segundo kung iparamdam niy

