bc

SOLDIER

book_age16+
766
FOLLOW
2.6K
READ
forbidden
badgirl
brave
drama
comedy
sweet
humorous
kicking
mystery
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

VICIOUS GIRLS SERIES #1: SOLDIER | COMPLETED

Katotohanan, Estado ng buhay, Realidad, kaligtasan at panganib, Ilan sa mga bagay na mahirap kalabanin at mahirap lagpasan. Ngunit, hanggang saan kayang ipaglaban ng prinsipe ang pagibig niya para sa kaisa-isang babae na bumihag sa puso at prumotekta sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
1
VICIOUS GIRLS SERIES 1: SOLDIER SYPNOSIS Magkaibang mundo ang ginagalawan. Magkaibang daan ang tinatahak ngunit sa isang pagbabago ng tadhana ay nakilala nila ang isa't isa. Isang mayaman at arroganteng lalaki at isang matapang at malakas na babae. Magkaiba ang ugali, paniniwala at prinsipyo ngunit sa pagtagpo ng kanilang landas at natutunan nilang kilalanin ang isa't isa may mabubo bang pagibig sa pagitan nilang dalawa? CHAPTER ONE  Sa harapan ng Ninoy Aquino's international Airport may pumaradang isang napakagarang sasakyan at inilabas noon ang isang napakakisig na binata. Maputi ang balat, matangos na ilong, Maayos ang tindig at may mapupulang mga labi. Nakasuot ng puting T-Shirt na pinatungan ng black leather jacket at nakasuot ng maong na pantalon. Meron din itong shades at nakapasak sa tenga nito ang earphones. Sumandal siya sa kanyang kotse habang ngumunguya ng bubble gum. Halatang may hinihintay. Halos lahat ng tao ay napapatingin sa kanyang dereksyon ngunit binaliwala ito ng binata at kinalikot ang cellphone. Maya-maya sa harapan ng napakakisig na binata ay may humitong babae sa harapan nito. Naka puting v-neck t-s**t at itim na pantalon. Nakasuot ito four inches na heels at may bitbit na traveling bag. Maputi ang babae matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, at maganda ang tindig. Humalukipkip ito sa harapan ng binata at nagsalita. "Still same Lucas Enrique Martin." Saad nito at napataas ng tingin ang binata saka tinangal ang nakapasak na earphones. Pagkakita niya sa dalaga ay napangisi ito at umiling. "Well, you are still beautiful Rain Denise Fontanel." Anito at kinuha ang bag niya. "How's the vacation?" Kumibit balikat lang si Rain at napatingin sa kanyang paligid. Nakita niya na halos lahat ng tao roon ay napapatingin sa kanilang dereksyon ngunit binaliwala niya lang ito. Ngumisi ang babae saka sumakay sa kotse ng binatang nagngangalang Lucas. Sumakay silang dalawa sa kotse at pinaandar ito. "So," panimulang saad ni Lucas. "Kumusta ang bakasyon." Ipinatong ni Rain ang kaliwang hita niya sa kanan at nakangising sumagot. "Hindi naman ako nagbakasyon eh, I finished some missions abroad. Paris to be exact." "Yeah, I know but chief Mendez gave you a two days' vacation, right?" "Well, I just sleep and recharge my body. Wala akong oras para mag-sight seeing" Natawa si Lucas habang umiiling. Para bang hindi makapaniwala sa insal ng kaibigan.  "Tulog ka nalang ng tulog, kahit sa ibang bansa dala mo ang habit mo'ng ganyan." Ngumisi siya. "Well, yun lang naman ang gusto kong gawin pag wala akong mission. I need to recharge my energy kasi pagnakaharap na ako sa misyon wala akong oras para matulog." "Hmmm, sa atin naman ikaw ang pinaka-seryoso." kumindat si Lucas sa kanya.  ngumisi siya. "Ganun talaga." tumikhim si Rain. "May bago bang mission na ibibgay si Chief kaya pinauwi niya ako agad galing paris?" mahabang tanong niya. "You are really obsess with your works." May hinugot si Lucas sa bag nito na isang folder at ibinigay ito sa kanya. "That is your new mission. Pag-aralan mo muna bago ka pumuta kay Chief bukas." Tumango siya at binuksan ang folder. "Luke Ian Santiago?" Basa niya sa pagbukas niya sa folder. "Twenty seven years old CEO of Santiago chain of hotels?" Umiling siya tinitigan si Lucas na abala sa pagmamaneho. "bakit may isang Luke Santiago sa isang mission 'ko?" Nagkibit-balikat ang binata. Mukhang wala rin itong alam. Hindi niya ito masisi ang mga misyon na hinahawakan nila ay exclusive lang sa mga agents na naatasan para doon. They can't just give information that easy.  "Walang masyadong impormasyon ang binigay sa akin ni Chief but, he said that Luke is the next target of that Syndicate." Namilog ang mga mata niya at tila excited na ngumiti. "The one we've been after for two years?" "Yes." ngumisi rin ito at tila excited. "Anong kinalaman niya sa kaso?" naguguluhang saad niya. Napakagat siya  sa labi at mukhang alam na niya kung bakit. But still she's hoping that it'a not. Mahirap na pagnagkataon.  Sinulyapan siya ni Lucas at ibinalik ang tingin sa kalsada. "Well, he's the next target. Luke Ian is one of the riches bachelors in the Philippines. He has connections in the business world. He is intimidating and serious when it comes to work but definitely an asshole when it comes to girls." Kinabig nito ang manubela bago ulit nagsalita. "I heard that you'll be in charge of him. Protect him in all cost."  "What the hell!" sabi na nga ba! kumunot ang noo niya at sumimangot siya. "Bakit kailangan 'kong magbantay ng isang target eh marami naman ang pwede sa defense team ah? Why can't I be the one who's in charge of investigating?" "Well, ganun din naman. Habang binabantayan mo yan ay nagiimbistiga ka rin." hininto nito ang sasakyan sa tapat ng isang kainan at bumaling sa kanya.  Umiling nalang siya at umirap. "Ikaw nalang ang bahala sa kanya." "Whoa! No way, I'm not good in handling those kind of people kung may reklamo ka kay chief mo sabihin. Tsaka I'm busy with my mission too you know." Ngumiti ito ng mysteryoso. Humalukipkip siya at umirap sa kawalan. "Maganda na sana ang misyon kung wala lang 'to!" "I know right." Kinalas ni Lucas ang kanyang seatbelt at tumingin ulit sa kanya. "Well! mamaya ka na sumimangot, for now let's eat kasi nagugutom na ako." Saad ni Lucas sa kanya. Lumabas silang dalawang pareho sa sasakyan at sabay na naglakad papunta sa restaurant. Pagkapasok nila ay halos sa kanila nanaman ang tingin ng mga kumakain. Nilapitan sila ng isang waiter. Ngumiti si Rain at saka nagsalita. "Table for two." Ani niya ngunit tila para bang nahipnotismo ang waiter at nakipagtitigan nalang sa mukha niya. Natawa siya sa isip-isip. May narinig siyang tumikhim at biglang sumingit si Lucas. "She said table for two." May diing wika nito na nagpabalik sa huwisyo ng waiter. "Sorry, Ma'am sir, this way please." Sabay silang naglakad papunta sa sinabi ng waiter sa kanila. Ngunit hindi nakaligtas sa kanila ang mga sinasabi ng ibang tao. "Ang ganda at guwapo naman! Mag nobyo ba sila?" "takte! Pre! Ang ganda!" "Nakakabighani!" "Wow! He's hot." "They are perfect!" Napatingin sa isa't isa si Lucas at Rain saka lihim na ngumisi. Umupo sila sa upuan at nag-order ng pagkain. Habang hinihintay ang pagkain ay bigla ulit nagsalita si Lucas. "By the way, tatangapin mo ba ang misyon na 'yan?" mahinang saad nito. "Well, I think I will pero hindi ko gusto na may binabantayan ako. I'll talk to chief Mendez para sakaling ibahin niya ang takbo." Nakasimangot na saad niya. "Ayaw mo talaga ng may inaalagaan o binabantayan ano?" Nakangising saad nito. "I really hate it, Lucas Enrique Martin. Ayaw na ayaw 'ko ang mga ganya. I hate being restrained when it comes to my job." "But, your Rain Denise Fontanel alam naman ng lahat na kayang kayo mo yan. Tutok ka sa trabaho at doon nalang tumatakbo ang buhay mo, why not try a new exposure?" "you're an ego boster!" biro niya. Tumawa sila, "Well come on marami rin privilege ang mga ganyang misyon." Hindi makapaniwalang tinignan niya si Lucas. "Ayaw 'kong makasama ang taong mahina." Mayabang na saad niya. Umiling nalang si Lucas at napatingin sa kaliwa dahil may mga babaeng nagkukumpulan sa gilid nila. Ngumiti siya sa mga babae at kumindat kasabay noon ang pagtili nila. "Hey girls." "Playboy." Narinig niyang saad ni Rain pero tumawa nalang siya. Lumapit ang mga babae sa table nila at tinitigan silang dalawa. "Mga artista po ba kayo?" "Nope, we're just common people, with common lives." Pasakalyeng saad nito. "Lies" mahinang saad ni Rain at tanging si Lucas lang ang nakarinig. Pag-agent hindi na bago ang pagsisinungaling. it is part of their lives. In order for them to protect people, in order for them to protect the ones they love they need to tell lies. They need to play the bad guys.  Ngumiti ang binata at makahugulan na tinitigan ang dalawang babae sa harapan niya. "But, you too look gorgeous as hell! Mag-girlfriend at boyfriend po ba kayo?" Umaktong nasusuka si Rain at tumawa. Ni minsan sa buhay niya hindi niya inisip na maging syota si Lucas.  "Nope, girls we're not. He's not even my type." Umaktong nasasaktan naman si Lucas. "Grabe ka naman Denise!" "Truth!" Nagulat sila ng tumili ang mga babae. "Pwede po bang pa picture! Gosh ang gaganda at gwapo niyo po." Ngumiti silang dalawang pareho at umiling. "Nope, we can't." "Huh? Bakit po." "Sorry but, we really can't." sabay na saad nila. Nanlulumo na umalis ang mga babae at eksaktong dumating ang pagkain nila. -- Tahimik na nilalagyan ni Rain ng bala ang magazine ng baril na hawak hawak niya. Matapos ito ay isiniksik niya ito sa kanyang jacket. Lumabas siya sa kanyang bahay at dumeretsyo sa kanyang motor at walang pag-aalinlangan na pinaandar ito patungo sa headquarters. Ipinarada niya ang motor sa parking lot ng building at sumakay sa elevator. Sa elevator may nakasabay siyang isang agent. Napangiti siya nang makilala ito. "Agent Mendoza! Kumusta?" masaya niyang bati sa kasamahan. Ngumisi ang babae sa kanya saka nagsalita. "Still the old me, Agent Fontanel." "May bago ka bang pinagkakaabalahan?" "Nope, I'm just her to submit some evidence and report kasama 'ko si Agent Alcantara but, I guess he's busy flirting." Natawa silang dalawa sa comento nito. Bumukas ang elevator sa 50th floor at lumabas na siya. Patuloy siyang naglakad hanggang makarating sa office ng kanilang boss. Kumatok siya ng dalawang beses bago pumasok. Eksakto naman na nakita niya si Agent Vera. Ngumiti siya at tumango ganun din ang ginawa nito. "I guess we're done now, Agent Vera you may leave." Pormal na pormal na saad nito sa agent. Lumabas ito at siya naman ay umupo sa harapan ng chief nila. "Good morning, Chief" aniya sabay sumaludo. tumango ang kanilang chief at pinaupo siya.  "May kailangan ka agent Fontanel?" huminga ng malalim si Rain bago nagsalita.  "Sir, may I asked why did you gave me a new mission like this?" saad niya at ibinigay sa boss niya ang folder nito. Tinignan nito ang folder saka tumingin sa kanya. "Why? I thought gusto mo." Naguguluhang saad nito. "Yes, sir I like the mission but..." diniinan niya ang salitang but. " why do I need to protect someone?" she sarcastically said. "Do you have an issue regarding protecting someone?" her boss said. "Damn! sir naman alam niyo naman ang pinaka-ayaw 'ko diba? I hate it when I need to protect someone. When I need to worry about he's safety! Sir naman ang pinakaayaw ko sa lahat yung may nadadamay na inosenteng tao!" hindi niya napigilan ang sarili at napataas na niya ang kanyang boses. Ayaw na ayaw niya talagang may kasama siya sa isang misyon o kaya naman ay may kailangan siyang alalahanin na iba kasi hindi niya nagagawa ng maayos ang trabaho. "Let me tell you this Agent Fontanel that this is an absolute others form the higher ups!" sumigaw narin ang boss niya. "Hindi ako pwedeng magbago ng mga misyon dahil from the first place kasama na si Luke Santiago sa mission mo!" "Sir..." "You are responsible for his safety and his life. you are also responsible for his family!" Nagulat siya sa sinabi nito. "What the hell! Bakit pati buhay at pamilya nito nadamay?" "Isn't that our vision and mission Agent Fontanel? We build this organization for innocent people and hindi naman nila ibibigay sa'yo ito ng hindi mo kaya." "But sir!" "So, instead of acting like a child start acting like a very brave agent and face this mission of yours! Agent Fontanel" "But, sir..." "No more buts! And start investigating!" --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

My Godfather My husband

read
269.7K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook