-- Isang nakakabing katahimikan ang bumalot kay Neil at Rain sa interrogation room. Walang imik si Neil habang si Rain naman ay nakatingin lang sa mga susi na hawak-hawak niya. Unti-unting bumibigat ang loob ni Rain. Bumabalik lahat ang mga oras kung saan sinisi niya ang kanyang sarili sa lahat ng mga pangyayari na nagyari. Bumabalik ang lungkot at pighati na pilit niyang tinatakasan. Sofia was her best friend. And it hurts her so much because it was her fault she died. Umangat ang tingin ni Rain kay Neil. Napasinghap siya sa kanyang nakita. Ang mga mata ng binata ay lumuluha. Kitang kita ang sakit na nararamdaman nito. Kitang kita sa mga mata nito ang pagsisi. Pagsisi? Hindi sigurado si Rain. Maybe, Neil was crying because he misses sofia. His Sofia. She didn't utter any word. Umiwa

