4

1748 Words
Masaya ang araw ni Rain walang duda iyon. Kahit na kanina pa nagsusungit at kung ano-ano ang pinapagawa sa kanya ni Luke wala parin makakasira sa magandang mood niya. Sa bawat oras na titinignan kasi niya si Luke at makikita niya ang bandage nito sa pisngi mas lalong gumagaan ang pakiramdam niya. Sa wakas nakaganti na rin siya! she knows that it's childish but, Damn! masarap ang feeling ng makaganti.  Matapos ang ingkwentro ni Rain sa bar kahapon ay iniuwi niya sa Luke sa condo nito at binantayan ito hanggang mag-umaga. Ngunit sinigurado niya na hindi siya nito makikita kaya naman nagtago siya. Naalala niya parin kung gaano ito kagulat nang Makita ang pasa sa pisngi na dulot ng kanyang sampal. You can say all you want. But, damn! It felt good. "Ms. Fontanel!" ayan nanaman po tayo, "I need my coffee!" napansin niyang puro kape nalang ang iniinom nito. She was about to get the coffee when she remembers.  Lihim na napangisi si Rain. "Sir sarado po ang coffee shop ngayon kasi kinasal po yung may-ari." Nakita niya ang pagkunot ng noo nito at pagmula ng pisngi. "Problema ba iyon! Edi maghanap ka sa iba!" sigaw nito. "Sir!" kahit na sumisigaw ito ang ganda parin ng mood niya. "The last time na sinabihan niyo po ako ng ganya the coffee end up in the trash can and I ended up being scold." Bumuntong hininga si Luke at umiling. Mas lalong napangisi si Rain. "Sir wag kang magalala pupunta ako doon kung may time at magpapaturo ako kung paano gumawa ng coffee niyo para hindi ka na high blood." "Ano?" "Wala sir," aniya saka lumabas sa opisina nito. "Hi Rance." Bati niya sa secretary ni Luke. Ngumti si Rance sa kanya pabalik. "Nasigawan ka naman?" tanong nito. Natawa naman siya sa kanyang isip. "Oo mukhang bad mood." Kibit balikat na saad niya. "ganyan talaga 'yon buti nakakatagal ka." "Kailangan para sa kinabukasan ng pamilya." Drama niya. Natawa naman si Rance at saka tinapik ang kanyang balikat. "Kaya natin 'to!" he said and walks away. Hinatid lang ni Rain ng tingin ang papalayong si Rance nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agent Ramirez calling.... Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at dali-dlaing naghanap ng patagong lugar. May nahanap siyang lugar sa storage room ng kompanya. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone at sinagot ito. "Kumusta?" she said. Her voice was cold and serious. "Ma'am, ayaw pong kumanta ng lalaking ito. Sabi niya patayin nalang daw natin siya kaysa magsalita." Naramdaman ni Rain ang adrenaline sa kanyang dugo. Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Pwes hinatyin mo ako." -- "Sir, pwede po bang mag leave ng maaga?" she said in a polite manner. Masama siyang tinignan ni Luke. "Ang aga aga ba't ka aalis?" tanong nito. Think fast Rain Denise! ano ba ang magandang rason na pwede siyang payagan agad? "ah, sir dinala kasi yung nanay ko sa hospital kailangan niya po ako doon." Nanatili ang masamang titig nito sa kanya pero kalaunan ay tumingin ito sa malayo. "Very well then you may go. But' I'll call you later you need to finish some documents." Tumango siya. "OO." Aniya saka mabilis na lumabas sa opisina. Tignan mo nga naman malambot rin pala ang puso! Naks! Pagkasakay niya sa lift unti-unting nagbago ang kanyang expresyon. Tumigas ito at nawalan ng emosyon ang kanyang mga mata. Hinugot niya ang cellphone at saka tinawagan si Agent Ramirez. "Ikaw muna ang magbantay kay Luke Santiago dito sa opisina. Pupunta ako sa headquarters." "Yes, Ma'am." -- Ipinarada ni Rain ang kanyang motor sa parking lot ng headquarters dali-dali siyang sumakay sa elevator patungo kung saang floor nakakulong ang nahuli nilang criminal kagabi. Sa loob ng elevator nakasabay niya si Agent Vera. Mukhang katatapos lang nito sa isang misyon. "Kumusta?" she said. Tumingin sa kanya si Agent Vera at ngumiti. "One hell of a job was done." Anito na para bang nabunutan ng tinik ang kanyang lalamunan. "Good for you." "Balita ko may bago ka daw misyon, undercover?" "Damn! Yes ang sakit ng ulo ko sa binabantayan ko akala mo kung sino." Tumawa si Agent Vera. "Been there done that." Bumukas ang lift at lumabas si Rain. "See you around, Alia." Aniya. Ngumisi si Agent Vera at kumindat sa kanya. "Good luck sa misyon mo Rain Denise." -- Sa loob ng interrogation room nanlilisik na tinitigan ni Rain ang lalaking nahuli niya kagabi. She despises criminals. She hates crimes. "Uulitin ko, sino ang nag-utos sayo?" she said. Her voice was cold. Wala kang mararamdaman na takot o ano.  Hindi natinag ang lalaki at ngumisi rin. Tila parang hinahamon siya nito. "I won't talk kahit patayin niyo pa ako." He said. Hindi umimik si Rain at tinitigan lang ito sa mata. Stubborn? Let's see. Tinitigan niya sa mata ang lalaki at hinintay ang isang minute na dumaan. Tanging tunog ng orasan na nakasabit sa dingding ang iyong maririnig. Nang matapos ang isang minuto tumayo si Rain at lumapit sa lalaking buong tapang na sinasalubong ang bawat titig niya. Umupo si Rain sa lamesa. "Hindi ka sasagot?" she said her voice was dangerous. Ngunit hindi ito natinag at tumawa pa talaga ang lalaki. Sa sobrang inis naglabas si Rain ng isang kutsilyo at itinutok sa lalaki. "Tatawa ka lang?" aniya saka tumawa. "Sige itawa mo lang, tignan natin kung sino ang mawawalan ng leeg." Rain starts tapping the table. "uulitin ko ang tanong, sino ang nagutos sayo?" she said slowly. Nakita ni Rain ang paglunok ng lalaki kaya naman ngumisi siya. "Oh? Natatakot ka pala? Kala ko ba mas gusto mong mamatay? Total sa impyerno ka naman pupunta." Hindi ito umimik. "Uulitin ko ang tanong. Sino ang nagutos sa'yo?" Dumaan ang sampung Segundo at hindi parin sumagot ang lalaki nawalan ng pasensya si Rain at saka sinugatan ang braso nito gamit ang kutsilyong hawak hawak. "Argh!" "Nagmamatigas ka? Pwes kung ikaw matigas ako rin, maglaro tayo, it's a game I called bleed until you die. Everytime na hindi ka sasagot sa tanong ko o magsisinungaling ka tatangalan kita ng isang parte ng katawan. Ano payag ka?" "Hindi mo kayang gawin yan, alagad ka ng batas!" ani ng lalaki at halata na natatakot na ito. "Eh tangina mo rin ano? hinahamon mo ako na patayin kita takot ka rin palang mamatay ano 'to nakikipagbiruan ka sakin?" she sarcastically said.  "Hindi..."  "At Bakit may makakakita ba kung papatayin kita? Wala pagtutulungan ka pa naming ilibig, now you only have two options, it's either you speak or I'll cut your flesh alive and you'll die." Nanginig ang lalak. "Now answer my question, sino ang nagutos sayo." Hindi ito sumagot. "Isa," "Dalawa." "kung hindi ka magsasalita mawawalan ka ng tenga." itinapat niya ang kutsilyo sa may tenga nito. nakita niya kung paano pagpawisan ang lalaki. ngumisi siya.  "Tat—" "hindi ko po alam!" Natigilan si Rain at kumunot ang noon a tinignan ang lalaki. "Ako ba'y pinagloloko mo?" Umiling ito. "Hindi po, ang sabi lang sakin kidnapin ko daw ang taong nagngangang Luke Santiago binigay nito ang address at pera sa'kin. Tinanong ko ang pangalan niya ang sabi niya tawagin ko nalang siya sa pangalang R." Mabilis at nanginginig na ani nito. Natigilan si Rain. R? Bakit naman iyon ang gagamitin nitong pangalan. Lumayo siya sa lalaki at saka ibinalik sa dating lalagyan ang patalim na hawak-hawak niya. Ngumisi siya at kumindat. "Kakanta ka pala pinahirapan mo pa ako." -- "Anong sabi?" "Wala, wala akong nakuhang matinong impormasyon maliban sa code name nito na R." "what? R? Ano yun?" Napatingin si Lucas sa kanya at umiling. "Anong gagawin mo ngayon?" She shrugged. "As usual dig deeper and I'll know better." "How so?" "Alam mong walang sikretong hindi nabubunyag sooner or later makikilala rin natin sila. We just need to be patient and be cautious." "So you'll stick with Luke for a while?" Natawa siya sa isip nang maalala si Luke. "Yes mahirap man paniwalanan but being close to him is like knowing everything." Huminga siya ng malalim. "You need to sacrifice in this life." aniya at nagkibit balikat.  Binigyan siya nito ng kape "So you'll continue acting?" "of course." Tumunog ang kanyang cellphone, napatingin silang dalawa doon. "Speaking of the devil mukhang hinahanap na ako." Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat. "Bye for now Lucas." Umiling si Lucas habang tinitignan ang kaibigan. "Ingat ka." -- Ilang beses na tinignan ni Luke si Rain mula ulo hanggang paa. Iba kasi ang porma nito. Pagnasa office sila isang simpleng blouse at slacks ang suot nito pero ngayon? Damn ang layo ng itsura nito sa itsura pagnasa office sila. She is wearing a black sando and a black leather jacket. May punti-punti din ang gamit nitong maong at naka rubber shoes ito ng itim. Ano ba ang ginawa nito sa hospital? Mukha itong gangster sa suot. Naramdaman ni Rain na kanina pa siya tinitignan ni Luke doon niya lang na realize na nakalimutan niya palang magpalit ng damit. Bigla bigla naman kasi itong tumatawag kaya agad siyang napapunta sa bahay nito ng dis oras ng gabi. "Sir?" she asked. Hindi niya nalang ininda ang tingin nito. "Ba't ganyan ang suot mo?" hindi na napigilan ni Luke ang sarili na tanungin ang assistant. Baka naman kasi nakipagaway ito sa kung saan bad image pa naman iyon sa kompanya. "Sa hospital po." Pinanindigan ni Rain ang kanyang pagsisinungaling. Tumaas ang kilay ni Luke. "Ng ganyang ang suot? Buti naman at pinapasok ka mukha kang basagulera." Panglalait nito pero hindi niya pinansin. "Uso to sir." "Ano ka bagets? Tss!" Ni luwangan ni Luke ang pintuan at saka siya pumasok. "Ano ang ipapagawa niyo sakin?" Ngumisi si Luke. May something nanaman ito sa isip-isip. "May pupuntang babae dito mamaya, at noong isang linggo pa ako kinukulit no'n gusto kong magpangap ka bilang girlfriend ko." "Ho?" nanlaki ang mata ni Rain at hindi makapaniwala sa sinabi. "Sir wala yan sa trabaho ko, assistant mo lang ako." Nakasimangot na sabi niya. Kahit kalian talaga walang modo! Bwiset! Prinoprotekthan mo na nga lang ang buhay ginagamit ka pa! "And so? That's an order." ""Pero Sir naman! Paano nalang pagsabunutan ako? O kaya naman tadyakan anong laban ko?!" she emphasized kahit na kayang kaya niya naming lumaban. But still ayaw niya ang mga ganun. ba't ba kasi siya ang naisip nito? ang daming babae na gustong pumalit sa posisyon niya ngayon siya pa?  "aba, problema ko pa ba iyon?" anito at saka tumungo sa kusina. Napasimangot siya at pabalibag na isinara ang pinto. "Ay puta!" aniya. "what did you say?" tanong ni Luke. Mas lalo siyang sumimangot at saka umirap. "Sabi ko po tangina!" tangina talaga! nakakainis!  She expects Luke to be offended pero iba ang nagging reaksyon nito. He smiled at saka umiling. "You are weird, Rain Denise. Anyways, I'll give you a deal, if ever you convince her that you and I are in a relationship I'll be nice." Biglang nagpantig ang tenga niya sa narinig. i'll be  nice? Unti-unting nagfunction ang kanyang utak. "You sure?" she said. Minsan kasi nakakainis na ang boses nito na parati nalang sumisigaw. she needs peace when she's working.  Luke looks at her eyes and shrugged. "If you'll agree we have a deal." "Deal!" --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD