Chapter 10

1266 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   Tulad ng inaasahan ay hindi nagustuhan ni Zuri ang biglaan kong pag-aaya na pumunta sa ika-labing anim na palapag ngunit wala na siyang sinabi dahil napag-usapan na naman namin ang tungkol sa bagay na ito.   Alam niya kung ano ang kakayahan naming apat na magkakapatid kaya alam ko ding naiintindihan niya kung paano ako kumilos.   At tulad ng inaasahan ko ay hindi din nagustuhan ng mga kaibigan niya ang ginawa ko. Sinisi pa nga nila si Azu dahil sa pagdadala nito sa akin sa palapag na iyon at hindi na ako nakialam.   Hindi ko pinilit si Azu na dalhin ako sa 16th floor. He still has a choice because I don’t know the way to get there but he still chose to bring me and Adzel there.   Kaya hindi ko na problema kung siya ngayon ang pinagsasabihan ng mga kaibigan niya.   Pumasok na ako sa tent at naabutan ko si Adzel na sinimulan na ang pagdo-drawing ng mapa ng ikalabing anim na palapag. Si Azmir naman ay abala sa mga dokumentong ibinigay ni Daddy.   Marami-rami ang dokumentong iyon pero hindi lahat ay may kinalaman sa Archangel at sa toreng ito kaya naman hindi na namin pinagtuunan pa ng pansin ang mga iyon.   Pero naniniguro si Azmir dahil iniisip niyang hindi isasama ni Daddy ang mga iyon sa kanyang vault kung walang kahit anong importanteng bagay tungkol dito.   “Are they mad at you?” tanong ni Azmir nang maupo ako sa tabi niya.   Tumango ako. “Hindi na nakapagtataka iyon. Wala silang tiwala sa atin kaya gusto nilang manatiling sikreto sa ating tatlo ang tungkol sa palapag na iyon. Iyon lang kasi ang pinagkukunan nila ng pang-araw-araw na pangangailangan kaya natatakot silang makarating ito sa Tower Government.”   Bumaling siya sa akin. “Iniisip nila na ipagkakanulo natin ang palapag na iyon kapalit ng buhay natin?”   Tumango akong muli.   “Sa mga taong pumaslang sa tatay natin?”   Nagkibit-balikat ako. “Maybe they don’t really consider that fact. And to be honest, I feel like they don’t really care about us. They are just being nice to the three of us because of Zuri.”   “Hey!” alma ni Adzel. “Don’t be so mean.”   Umismid ako. “Nagsasabi lang ako ng totoo noh. Kung hindi lang dahil kay Zuri, siguradong pagtapak palang natin sa palapag na ito ay sinalubong na tayo ng Archangels.”   “But we didn’t do anything to them,” ani Azmir. “We don’t even know the situation on this floor.”   “Ignorant is a sin for them and they will not trust you because of that.”   I am not being mean. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil sigurado akong iyon ang tunay nilang nararamdaman para sa amin.   Kung hindi lang nakiusap sa kanila si Zuri ay hindi sila magiging mabait sa amin. At hindi nila kami tutulungan.   They hated us for not knowing their situation and suffering on this floor. They hated us because we chose to ignore their situation and just go with the flow on how the Tower Government runs this place when we have so much potential to keep this tower a better place for everyone.   Yes, they acknowledge our skills and ability but that is also the reason why they don’t like us. And the only reason why they are helping us is because they are indebted to our brother’s hand.   “Can you keep your voice down?” bulong sa akin ni Adzel. “Baka nakakalimutan mo na tent lang ang kinalalagyan natin ngayon kaya siguradong narinig na nila ang mga sinabi mo.”   Tinaasan ko siya ng kilay. “Do I look like stupid to you?”   Kumunot ang noo niya pagkuwa’y umiling. “Why are you asking?”   “Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na nirinig nila ang sinabi ko?” balik ko sa kanya. “I know that and it was really my intention right from the start. Hindi mo ba napansin na tumigil sila sa pagsasalita?”   Ilang sandali lang ay unti-unting bumukas ang nakatabing sa tent namin at napapailing na si Zuri ang bumungad sa amin habang sa kanyang likod ay ang mga kaibigan niyang natatahimik at hindi makatingin sa amin.   Oh, that’s what I didn’t expect.   Akala ko ay umalis na si Zuri kaya sinabi ko iyon dahil alam kong hindi niya magugustuhan na marinig ang bagay na iyon.   Besides, sinabi ko lang naman ang mga bagay na iyon nang sa gayon ay tigilan na nila ang pagpapanggap na mabait sa harap namin gayong kulang nalang ay sabunutan nila kami at sipain pabalik sa ground floor.   “You are really a tactless one, Raffi,” he said. “Kailangan bang sa ganyang paraan mo sabihin ang bagay na iyan?”   Bumuntong hininga ako at hindi na nagdalawang-isip na tumango. “You know the only thing that I hate in this world, Zuri. Pretension.” Ibinaling ko ang tingin sa mga kaibigan niya. “I don’t care if they act like a b***h and bastards in front of me if that is truly what they feel about me. But never… never act like a nice person who likes me if you don’t.”   This time, I also dropped my act and showed no emotions in my face.   “See,” Dea pointed at me. “You also pretend to be nice in front of us.”   I shook my head. “I didn’t. Ang ipinakita ko sa inyo ay iyong taong marunong makisama at um-appreciate sa tulong na ibinibigay ninyo. Pero dahil patalikod niyo naman pala kaming sinasabihan ng kung anu-ano, bakit pa ako makikisama sa inyo?”   “Raffi,” Mayroong pagbabanta ang boses ni Zuri kaya bumuntong hininga na lamang ako at tumayo. “Kung gusto niyo talagang sumama sa amin sa paglabas sa toreng ito, mas makakabuti kung aasikasuhin niyo muna iyang ugali niyo. We will be facing a lot of dangerous situations and I will not go with anyone who will just push me at the back when they get too scared to even move.”   “You are being to much, Raffi,” bulong sa akin ni Azmir. “Huwag mo na silang galitin pa.”   “Sinasabi mo bang mas pipiliin naming iwan ka kung maiipit tayo sa isang delikadong sitwasyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Issa.   Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Hindi ba?”   Hindi siya nakasagot kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko at agad naman silang nag-iwas ng tingin sa atin.   “Now, you are being too honest.” Ngumisi ako. “But I did expect that. Na kapag naabutan tayo ng Archangel, hindi kayo magdadalawang-isip na ipagkanulo kaming tatlo para lang siguro ang kaligtasan niyo at ni Zuri.”   “Raffi,” tawag sa akin ni Zuri. “Alam mong hindi ko hahayaan iyon.”   “Ah, I know you,” sabi ko. “Hindi ikaw ang inaalala ko dahil alam kong hindi mo talaga kami pababayaan. Pero ang mga iyan…” Itinuro ko ang mga kaibigan niyan. “Me, Adzel and Azmir need to watch our backs while we are with them.”   Hindi ko na sila hinayaan pang magsalita at agad na binitbit ang bag ko pagkuwa’y lumabas ng tent.   Nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin kaya naisipan ko nang umalis.   Bahala sila kung ano ang iisipin nila at kung ano ang gagawin nila pagkatapos nito. Basta magpo-focus nalang ako sa kung ano ang dapat kong gawin para masigurong magiging ligtas ang paglalakbay namin paakyat sa toreng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD