Chapter 9

1265 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   “Woah…”   Isang nakamamanghang tanawin ang bumungad sa amin nang tuluyan naming marating ang 16th floor ng toreng ito. At halos bumagsak pa ang panga ko habang inililibot ang aking tingin sa mataas na kisame ng palapag na ito.   Sa libro ko lang kasi nakikita ang ganitong tanawin dahil ayon sa mga matatanda ay hindi ito maaaring mag-exist sa loob ng tore.   “This is what the old people called forest, right?” tanong ni Adzel habang iginagala ang tingin sa paligid. “Ang mga nagtataasang puno na ito, ang mga hayop na malayang nakakapamuhay dito. At ang mga kweba na nagtatago ng kung anu-anong mineral.”   “All wild animals and plants are actually living in this kind of surroundings,” sabi ko. “But I don't understand.” Bumaling ako kay Azu. “Is this a natural forest?”   Tumango siya. “There’s a lot of things that you still don’t know about this tower. And yes, this forest is natural.”   “Then…” “Dahil walang suporta ang Tower Government sa huling palapag kung saan naninirahan ang mga tulad naming itinuturing na salot sa sangkatauhan ay napilitan kaming isarado ang tunay na lagusan na nagdurugtong sa ika-labing lima at ika-labing anim na palapag,” paliwanag ni Azu. “Pagkuwa’y gumawa kami ng panibagong hagdan na siyang magdadala sa sinumang magtatangkang umakyat diretso hanggang ika-labing pitong palapag.”   Ang pagkakaalam ko ay ang mga naninirahan sa ika-labing limang palapag ay mga taong walang kakayahang tumulong sa sangkatauhan na naninirahan sa toreng ito.   Sila iyong mga babaeng walang kakayahang magbuntis, mga may kapansanan, mga law violators, mga kumokondena sa pamamalakad ng gobyerno, mga inabandonang mga sanggol na bunga ng hindi kagustuhang pagbubuntis at mga matatandang inabandona o wala nang pamilya sa ibabang palapag na wala nang kakayahang magtrabaho.   Kaya naman ang mga naninirahan sa ibaba, lalo na ang mga nasa ground floor ay itinuturing talaga silang salot sa toreng ito.   “At dito niyo kinukuha ang pang-araw-araw niyong pagkain?” tanong ni Adzel na mabilis nitong tinanguan. “This is Zuri’s idea, right?”   Ang lalaking iyon lang ang may kakayahan at lakas ng loob na itago ang ganitong lugar sa mga mata ng gobyerno kaya nakasisiguro akong siya ang may ideya ng tungkol sa bagay na ito.   Muling tumango si Azu. “Ayon sa kapatid niyong iyon ay walang alam ang gobyerno tungkol sa kung ano ang mayroon sa ika-labing anim na palapag dahil mula pagkabata pa lamang ay lagi na niyang sinisira ang lahat ng report tungkol sa palapag na ito.”   “At ginagamitan niya ang memory eraser ang mga taong nakakaalam ng tungkol sa palapag na ito,” sabi ko. “Ibig bang sabihin nito ay hindi isang daang palapag ang toreng ito kundi 99 floors lang?”   “Walang kasiguraduhan kung tama nga ba ang inaakala nating bilang ng palapag ng toreng ito,” aniya. “Dahil wala namang mga tao ang nagawang makaakyat sa pinakataas nito para sabihin ang tunay na bilang nito. Ang tanging alam ko lang ay may mga palapag na nagko-contain ng sarili nitong eco-system tulad nito.”   Isang palapag na may sariling ecosystem.   Mula nang magkaisip ako ay nakatatak na sa aking kaalaman na ang toreng ito ay isa lamang man-made. Isang gusali na gawa ng tao. Isang lugar na bunga ng agham.   Pero ngayong nasa harap ko na ang isang kagubatan na nasa isang palapag ng toreng ito, masasabi kong maling paniniwala ang ipinapasa sa bawat henerasyon ng mga taong naninirahan dito.   “Sa totoo lang, wala talaga akong planong dalhin kayo dito,” sabi pa ni Azu. “Maliban sa walang sinabi si Zuri, hindi pa din lubos ang tiwala namin sa inyong tatlo kahit pa kapatid kayo ng kaibigan namin.”   Well, inaasahan ko na din iyon dahil nalaman kong hindi maganda ang reputasyon ni Daddy sa palapag na ito.   Kung hindi nga lang dahil kay Zuri ay posibleng matagal nang nagkakagulo ang bawat palapag dahil nakikita kong hindi basta magpapa api ang mga nasa ika-labing limang palapag.   “Then, bakit nagdesisyon kang dalhin kami dito?” tanong ko sa kanya.   “I am taking a risk,” aniya. “Minsan na akong sumugal nang pagkatiwalaan ko si Zuri nang sabihin niyang siya na ang bahala sa palapag na ito. Kaya naman ngayon ay nagdesisyon akong muling sumugal at pagkatiwalaan kayo.”   “Dalawang bagay lang kasi ang posible naming gawin,” ani Adzel. “Ang bumalik sa Archangel at ipaalam sa kanila ang tungkol sa palapag na ito dahil malaki ang maitutulong nito upang masigurong hindi na mauubusan ng pagkain ang mga tao sa buong tore.”   “Maaari din nilang gamitin ang kagubatang ito upang lansihin ang mga erian at hindi na ito muling makakapanakit pa ng mga tao,” dagdag ko. “Sa ganoong paraan ay hindi na nila kakailanganin pang pag-eksperimentuhan ang dugo namin at malaya kaming makapamumuhay muli sa ground floor.”   “O panatilihin niyong lihim ang tungkol sa lugar na ito at magpatuloy sa plano niyong pag-akyat sa tuktok ng tore.”   “Mas may chance tayo sa una,” sabi ni Adzel pagkuwa’y inakbayan ako at tumingin kay Azu. “Pero sa tingin mo ba ay basta nalang kaming babalik sa mga taong pumatay sa tatay namin?”   Natigilan si Azu.   “Alam kong iba ang tingin mo sa amin kaysa kay Zuri,” dagdag pa ni Adzel. “But don’t look down on us just because we don’t share the knowledge that Zuri has. Stop looking down on us just because we are too ignorant about what is really happening inside this tower.”   “That…”   “It’s fine,” pigil ko sa kanya. “You don’t have to say sorry or explain further. Naiintindihan namin ang pinanggagalingan mo. Sa ngayon, gawin nalang natin kung ano ang pinunta natin dito para makabalik tayo agad bago tayo maunahan ni Zuri.”   Bumuntong nalang sina Adzel at Azu pagkuwa’y nagsimula na kami sa pag-iikot.   Sinimulan ko ding pag-aralan ang ilang parte ng gubat, ang lupa dito maging ang mga puno at napatunayan ko na natural ang lahat ng nandito.   Habang ang pader ng palapag na ito ay higit na makapal at gawa sa natural na bato.   At ang lubos kong ikinamamangha sa palapag na ito ay ang talon na nakita ko sa hilagang bahagi ng pader.   Mayroong malaking butas sa pader at doon nanggagaling ang tubig nito ngunit hindi ako sigurado kung ano ang mismong source nito.   Mukha namang malinis ang tubig dahil ang sabi ni Azu, dito din nila kinukuha ang tubig na kanilang iniinom dahil maging ang water source na kinukuhanan ng Tower Government ay hindi din nakaabot sa palapag na iyon.   Naglagay ako ng tubig sa isang vial pagkuwa’y pinasok ko iyon sa isang black box device na dala ko. At ilang sandali pa ay lumitaw sa screen ng device ang resulta ng water test na ginawa ko.   Pinapakita nito na safe nga ang tubig at maaari itong inumin ng tao.   “Tapos ka na ba, Adzel?” tanong ko sa kapatid ko na kababalik lang sa kinatatayuan ko matapos maglibot sa paligid.   Inabot na kami ng halos limang oras dito kaya madami-dami na din kaming nalaman tungkol sa palapag na ito.   “Yup, I already mapped the whole area,” aniya. “Kakailanganin ko na lamang i-drawing sa papel.”   “Pwede mo na iyong gawin sa ibaba,” sabi ko pagkuwa’y inilagay na sa bag ang mga gamit ko. “Kailangan na nating bumalik. Sigurado nang naghihintay si Zuri sa atin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD