Raziel Raffia Lynwood's Pov
Malapit nang matapos ni Adzel ang pagma-mapping niya sa mga palapag na nadaanan na namin. Sa ngayon kasi, kailangan naming malaman ang bawat sulok ng tower na maaaring daanan ng Archangel.
And for starters, sinabihan ko si Zuri na siguraduhin na hindi makakadaan sa mga main stairs ang mga humahabol sa amin.
Kaya agad nilang ni-lock ang main entrance ng bawat palapag. At maliban pa doon ay nagtalaga na din kami ng iba pang kaibigan ni Zuri upang bantayan ang iba pang lagusan.
Sa tulong ng planong ito ay mabibigyan kami nito ng dagdag na oras para makapagplano ng gagawin namin sa pag-akyat sa toreng ito.
"Sapat ba ang oras na mayroon tayo para matapos ang ginagawa mong plano?" tanong sa akin ni Azmir habang pinag-aaralan ang mapa na ginawa ni Adzel pagkuwa'y bumaling sa akin. "Base sa mga dokumentong iniwan ni Daddy sa iyo, gagawin nila ang lahat para makuha tayo at maipagpatuloy ang kanilang eksperimento."
"Well, it is not enough," sabi ko. "But I will make it enough because we don't have any choice."
Archangels have all the support they need to pursue us even at the top of this power. While the four of us do not have anything.
Kaunting gamit lang ang nadala namin dahil nga magmamadali na kami at ibinigay pa ng mga kaibigan ni Zuri ang iba sa ginagamit namin.
Plano na nga din naming iwan ang mga damit at sunugin nang sa gayon ay hindi na din masundan ng mga K9 ang amoy namin.
"Kung ganoon ay kailangan na nating magpadala ng mga mauunang pumunta sa itaas nang sa gayon ay alam natin kung ano ang dadatnan doon," sabi pa niya.
"Iyan nga din ang plano ko." Bumaling ako sa kanya. "At may naisip na ako sa mga aakyat doon."
Nabanggit na sa akin ni Zuri na nakarating na sila hanggang sa ika-dalawampung palapag ngunit hindi nila masyadong nalibot ang bawat palapag kaya wala ding kasiguraduhan kung ligtas nga ba ang pagdaan namin doon.
At ang mga lagusan na ginamit nila doon ay matagal nang nagsara dahil sa mga ilang beses na pagyanig ng lupa at tanging mga main entrance na lamang ang nananatiling bukas.
Ayon din kay Zuri ay parang mga loft hallways ang mayroon sa bawat palapag dahil sa taas ng kisame nito. At hiwa-hiwalay ang lokasyon ng bawat hagdanan sa mga loft hallways na iyon kaya aabutin kami ng mga lima hanggang walong oras sa pag-akyat sa bawat palapag.
At mapipilitan kaming magpahinga araw-araw sa bawat isang palapag
Kaya naman kakailanganin talaga naming libutin ang mga iyon.
"Hello." Pumasok sa Azu sa tent namin kaya agad akong bumaling sa kanya. "Pabalik na sina Zuri."
"Did they finally seal all the entrances in each floor up to here?"
Tumango siya. "And they managed to knock out all the Tower Guards that were assigned in those main entrances."
"Then, that is great." I grabbed my bag and faced him. "Let's go."
Kumunot ang kanyang noo. "May pupuntahan tayo?"
Tumango ako pagkuwa'y bumaling muna kay Azmir. "Ikaw na muna ang bahala dito."
"Teka," pigil niya sa akin. "Saan ba kayo pupunta?"
Ngumiti ako at itinapat ang aking hintuturo sa itaas. "Upstairs."
Nanlaki ang mga mata niya at bago pa man siya makapagsalita ay agad ko nang hinablot ang kamay ni Azu at mabilis na lumabas ng tent.
Nadinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Azmir pero hindi ko na siya inintindi.
Eksakto pa na makakasalubong namin ni Adzel kaya agad ko ding hinablot ang kamay nito. Kaya dalawa na sila ni Azu na hila ko ngayon.
"Raffi," tawag sa akin ni Azu. "Talaga bang pupunta tayo sa 16th floor?"
"Yup," mabilis kong sagot. "Mas mabuti nang asikasuhin natin iyon nang sa gayon ay makapaghanda na agad tayo."
"Woah," reaksyon agad ni Adzel nang marinig ang sinabi ko. "Seryoso talaga? Pupunta tayo sa 16th floor?"
"Oo nga," sabi ko tsaka tumingin sa kanya at nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata. "Ayaw mo ba?"
"Aba'y wala akong sinabi," agad niyang sagot. "Pero hindi ba magagalit si Zuri?"
"Nag-usap na kami ng lalaking iyon kagabi." Itinuon ko na ang atensyon sa dinadaanan namin. "At wala din naman siyang magagawa. Hindi pwedeng hintayin ko pa siya para lang magpatuloy ang mga plano ko."
"This is exciting." Nang dumating kami sa palapag na ito ay bakas ang matinding pagkasabik sa kanya nang makita niya ang kakaibang pattern ng mga pader ng bawat palapag kaya sinabi niya agad na gusto niyang makita ang bawat sulok nito.
“Huwag kang masyadong ma-excite diyan,” sita ko sa kanya. “Hindi porket kasama natin si Azu ay magpapakampante na tayo. Kailangan pa ding mag-ingat.”
“Alam ko naman iyon,” aniya at kung nakikita ko lang ang mukha nito ay siguradong nakanguso na ito. “Hindi porket inuuna ko ang interes ko sa mga palapag ng tore na ito ay hindi ko na aalalahanin kung ano ang sitwasyon natin ngayon.”
“That’s good, then.” sabi ko. “At iyan ang lagi mong tatandaan nang sa gayon ay hindi tayo masyadong makasagabal kina Zuri at sa mga kaibigan niya.”
“Did Zuri say something?” tanong niya.
Binitiwan ko na ang kamay nila ni Azu nang marating namin ang main entrance ng hagdan papunta sa ikalabing anim na palapag pagkuwa’y bumaling sa kanya.
“Alam mo naman ang ugali ni Zuri,” sabi ko. “He will insist on bearing all the responsibility to make sure that we will survive. And he will do everything to make sure that we will reach the top of this tower, even though he will not make it.”
“Oy,” alma niya. “Hindi naman pwede iyon. Walang kahit isa sa ating magkakapatid ang maaaring maiwan sa loob ng toreng ito. Hindi natin alam kung ano ang maaaring gawin sa kanya ng Archangel.”
“Kaya nga gusto kong maging aware kayo sa sarili niyong kaligtasan dahil ayokong maging pabigat tayo kay Zuri,” paliwanag ko. “Hangga’t nakikita niyang kaya nating i-handle ang sarili natin ay nasisiguro kong hindi siya gagawa ng kahit na anong kabaliwan na maaaring maging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay nati.”
Aalis kami sa lugar na ito nang magkasama. At gagawin ko ang lahat ng paraan para mangyari iyon.
Dahil anuman ang naghihintay namin sa tuktok ng toreng ito ay sama-sama naming haharapin.
Tulad ng kagustuhan ng yumao naming ama.