Chapter 7

1182 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   “Good morning,” bungad sa akin ni Azu nang lumabas ako ng tent na tinutuluyan namin. “Coffee?” He handed me a cup of coffee that I immediately grabbed.   I smiled. “Thank you.”   “After you,” Iginiya niya ako sa isang upuan na nakapwesto sa mismong harap ng kanyang bahay.   Naupo ako doon at  iginala ang aking tingin sa paligid habang humihigop ng mainit na kape. “I didn’t know that this floor has all the vicinity that the other floor has.”   “Oh, that?” he said. “Ang mga gusaling iyan ay pinaghirapan na itayo ng mga naninirahan sa palapag na ito.”   “With the help of another floor?” I turned to him.   He shook his head. “We are on our own since your father inherited the throne and decided to support the Archangel’s mission. And the only thing that he is doing to this floor is to ensure that erian will not enter here.”   I frowned. “What do you mean? The tower government didn’t even give you a budget?”   “Tower Government?” He shook his head. “No. But your brother?” He pointed at Zuri who was happily playing with the kids on the road. “He gave all of his allowance to this floor so we could develop everything in here. And with that, we will be able to live without the support of the government.”   Alam kong marami pa kaming hindi nalalaman tungkol sa mga nangyayari sa loob ng tower na ito. Ang mga itinuturo sa mga eskwelahan na nasa ground floor ay minamanipula lamang ng nakaupo sa pwesto.   But I can’t let them take all the blame.   We are also at fault here because we don’t take a risk on learning everything on our own.   Hindi namin tinularan ang ginawa ni Zuri na siyang nag-iisang mulat sa kalakaran ng toreng ito.   “Hey.” Lumapit sa amin si Zuri at agad naman siyang inabutan ng towel ni Azu. “Nasaan sina Azmir at Adzel?”   “They are still inside,” sabi ko matapos ituro ang tent namin. “Azmir are still examining all the documents that we acquire inside the mansion and Adzel, he is mapping the tower.”   “Mapping?”   I nodded.   “Don’t tell me, you let him go out alone last night?”   “I let him,” mabilis kong sagot sa kanya.   “Why did you do that?” tanong niya at alam kong hindi niya nagustuhan ang bagay na iyon. “Alam mo kung gaano kadelikado ang sitwasyon--”   “Zuri,” pigil ko sa kanya. “We know the situation. We are perfectly aware of it, that's why we are doing everything we can.”   “But--”   “I know.” Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita.   At tingin ko ay agad nakaramdam si Azu ng tensyon kaya mabilis niya kaming iniwang magkapatid.   “Iniisip mo na hindi kami dapat kumikilos dahil wala kaming nalalaman sa tunay na kalakaran ng toreng ito,” sabi ko.   Agad siyang umiling. “It is not that.”   “Huwag na tayong mag paligoy-ligoy pa, Zuri,” sabi ko. “Alam kong pagkakamali namin na hindi namin inalam ang tunay na kondisyon ng tore na pinamumunuan ng pamilya natin pero hindi ibig sabihin noon ay kakailanganin mo kaming protektahan ngayong nasa panganib na ang buhay natin. We may be your responsibility because you are the eldest but that doesn’t mean you can underestimate us.”   “I am not doing that,” tanggi niya pagkuwa’y bumuntong hininga. “Look, alam ko ang kakayahan ninyong tatlo at may tiwala ako sa bawat isa sa inyo. But working alone in this kind of situation will not do any good to us.”   “He is not alone,” I said.   Kumunot ang noo niya. “He is not?”   Umiling ako pagkuwa’y itinuro ang isang lalaki na kadadaan lamang sa harap namin. “Kasama niya ang lalaking iyan.”   Bumaling siya doon at itinuro din ang lalaki. “You mean, Heri?”   Tumango ako. “Azu told us everything about your friends here after you said that they will come with us. At pinuntahan namin sila isa-isa nang sa gayon ay magkaroon naman kami ng kaunting kaalaman sa mga taong makakasama natin sa paglalakbay palabas ng gusaling ito.”   “You didn't tell me that.”   “What can I do?” balik ko sa kanya. “Busy ka sa pakikipag lambingan kay Dea kaya hindi ka na namin inabala pa. Nakita ko naman na pinagkakatiwalaan mo si Azu kaya sa kanya kami nagpasama para naman hindi na namin masira ang pagkakataon mo kay Dea.”   Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi kaya napangiti nalang ako. Well, hindi naman ako manhid at hindi rin ako bulag.   Pagdating palang namin sa palapag na ito ay ang babaeng iyon agad ang una niyang hinanap kay Azu at nakita ko kung paano niya tingnan ang babaeng iyon.   He is in love with that woman and I think Dea is also in love with him.   Pero hindi nila inaamin sa isa’t-isa at idinadaan lamang sa biro ang lahat.   Ang sabi ni Azu, masyadong komplikado ang sitwasyon ng dalawang iyon pero hindi na niya in-elaborate sa akin dahil mas mabuti kung si Zuri mismo ang magku-kwento tungkol sa babaeng pinakamamahal nito.   “Anyway, we are just doing some initial moves to become aware of everything that is happening around this tower,” sabi ko. “Ngayon ko lang kasi na-realize na manipulado ang mga natutunan namin sa mga eskwelahan sa ground floor so huwag ka munang mag-alala.”   Doon siya nakahinga ng maluwag.   “But you have to know that we need to get out of here as soon as possible,” dagdag ko pa. “Hindi magandang madamay pa ang palapag na ito sa problemang dinadala natin.”   Tumango siya. “Iyan din ang iniisip ko kaya sinabihan ko na ang mga kaibigan ko na maghanda. We just need to have a specific plan before we continue climbing up.”   Ngumiti ako. “Alam mong iyan ang forte ko kaya ipaubaya mo na iyan sa akin. But I have to inform you that the plan that I will be making is for a team so you better set aside your overprotective attitude and let us do our job, okay?”   Tinitigan niya ako at nilabanan ko siya doon.   Alam kong ang gusto niyang mangyari ay siya ang gagawa ng lahat ng bagay dahil natural para sa kanya ang protektahan ang mga nakababata niyang kapatid pero hindi ko siya maaaring hayaan sa bagay na iyon.   “We will survive this together, Zuri.” Tumayo ako at tinapik ang balikat niya. “Kaya huwag mong isipin na hahayaan kitang isakripisyo ang sarili mo para lang mabuhay kami.”   “Raffi…”   “Iyan din ang desisyon nila Adzel at Azmir,” dagdag ko. “Kaya kung may problema ka sa desisyon namin, sila ang kausapin mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD