Chapter 46

1223 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   Inabot din kami ng mahigit isang oras bago tuluyang nakarating sa southwest wall of this floor.   At ang bumungad sa amin ay isang limang palapag na gusali na napapaligiran ng maraming armadong lalaki.   “Please don’t mind the guards that I put here,” sabi ni Lupica nang makababa kami sa van na nagdala sa amin dito. “I just have to take extra precautions because I am sure that Archangel will think that I also have the blood samples that I gave to them.”   “And they might attack this area to get the result of your test?”   Tumango siya. “Hindi naman sa pagyayabang pero higit na advance ang mga equipment na mayroon ang gusaling ito kaysa sa ginagamit nila kaya mas mabilis din naming nakuha ang resulta ng mga pagsusuri sa dugo ni Azmir kumpara sa kanila.”   “Kaya may posibilidad na naghihintay lang sila ng pagkakataon para sumugod,” dagdag ni Monica. “But you don’t have to worry. You will be safe inside that building.”   Hindi ko alam kung dapat ba akong makampante sa sinasabi nila pero wala din naman akong magagawa kundi ang maniwala.   “Let’s go,” ani Lupica at iginiya na kami papasok sa loob ng gusali. “Hindi ko na patatagalin ang pagpapaliwanag sa inyo kaya mas mabuting i-skip na muna natin ang tour sa laboratory ko at dumeretso na tayo sa meeting room.”   “Mas mabuti nga iyan,” sabi ko. “Kanina pa ako hindi mapakali kakaisip kung ano ba ang sinasabi mong nalaman mo sa dugo ng kapatid ko.”   “After you.”   Nauna na akong pumasok sa kanya at doon ko muling inilibot ang tingin ko sa buong paligid.   I know the difference between a man-made building and a natural one, and I can say that this one is actually a natural one.   I mean, they did the carvings to make it look like a building. They are also the ones who mold every single floor and rooms in it but the foundation of this one is all natural.   Pero ang mga salamin at pintuan nito ay gawa na sa salamin na sigurado namang sila na ang may gawa.   Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa isang malaking silid na mayroong mesa na gawa sa bato.   Nakadikit ito sa sahig kaya tingin ko ay inukit lang din ito habang hinuhulman ang silid na ito para maging meeting room nila.   “W-what happened?” naguguluhang tanong ni Azmir nang gisingin na namin siya. Agad niyang iginala ang tingin sa paligid at napapakunot ang noo. “Where the hell am I?”   “Hey,” tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. “Nandito tayo sa laboratory ni Lupica.”   “Why?” Lalo siyang napakunot ang noo.   “Because he said that he will be able to tell what happened to you earlier,” I said. “He said that it has something in your blood since his group analyzed the blood that you gave to them.”   Dahan-dahan siyang tumango.   “Anyway, are you okay?” tanong ko sa kanya. “It seems like you have already calmed down. You are not scared anymore?”   “Now that you mentioned it.” Hinawakan niya ang kanyang dibdib. “I don’t feel any kind of presence that I felt earlier.”   “So, you can feel them,” ani Lupica na ikinatingin namin sa kanya.   “What do you mean?”   “The presence,” he said. “He can feel their presence, right?”   “Their presence?” tanong ni Azmir. “Are you  telling me that you know who owns the presence that I felt earlier?”   Tumango si Lupica. “Well, kung hindi ko nakita ang resulta ng blood test na ginawa namin sa blood sample na ibinigay mo ay hindi ko malalaman kung ano ang tinutukoy mong presence.”   “But you know about it now?”   Tumango siyang muli. “It is the presence of the erian.”   Nanlaki ang mga mata namin.   “What?”   “Azmir’s blood can feel the presence of the erian,” aniya. “At hindi lang niya kayang maramdaman ang presensya ng mga ito, kaya din niyang malaman ang eksaktong lokasyon ng mga ito.”   “Y-you’re kidding?”   “I wish I am but sorry, I am not,” sagot niya.   May kung ano siyang pinindot sa isang remote na hawak niya at dahan-dahang nag-dim ang ilaw sa buong silid at bumukas ang isang screen kung saan may mga naka-display na blood samples under the microscope.   “This blood…” He pointed to the red blood and slowly zoomed it in to the point that we only see the cells in this blood. “...is Azmir’s and as you can clearly see, it is emitting some kind of violet aura. At ang aura na iyon ay papunta sa direksyon kung nasaan ang klase pa ng dugo na nasa sample na ito.” Dahan-dahan niyang iginalaw ang glass plate na siyang pinaglalagyan ng blood sample na nasa ilalim ng microscope at doon namin nakita ang mga cells mula sa itim na dugo na tingin ko ay pag-aari ng mga erian.   “Is that even possible?” sabi ni Adzel. “I mean, those aura and detecting presence sounds like a fantasy to me. Well, Erian is really from out of this world but I think this is some kind of misunderstanding.”   “Kung hindi ka naniniwala sa findings namin, bakit hindi ikaw mismo ang mag-aral sa dugo ng kapatid mo,” ani Lupica. “Wala akong rason para gumawa ng kwento tungkol sa dugo niyo. Kahit ako ay hindi din naman makapaniwala sa kung ano ang nakikita ko ngayon pero dahil wala namang ibang paliwanag sa mga ito, bakit kailangan ko pang magbulag-bulagan kaysa tanggapin na lamang ang mga ito?”   “Hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay kayang ipaliwanag ng siyensya,” sabi ni Zuri. “Besides, we have evidence here that shows Lupica’s claim.”   “But still--”   “But still, we want to make our own blood test and experiments about thsi one,” dagdag ni Zuri at seryosong bumaling kay Lupica. “It is not that we don’t trust you. But we want to make it sure and see for ourselves so that no one will be able to question it anymore.”   Tumangu-tango si Lupica. “I can help you with that. I will prepare the laboratory for you,” he said. “Just wait here for a moment.” Lumabas na siya ng silid at naiwan kaming magkakapatid kasama si Azu.   “A blood that can detect erian,” mahina kong sabi.   “Oh, come on, Raffi.” ani Adzel. “Kahit ba ikaw ay naniniwala sa sinasabi ni Lupica?”   “Yes, I am,” walang pagdadalawang-isip kong sabi. “Iyon lang kasi ang makakapagpaliwanag sa kung ano ang naramdaman ni Azmir kanina. But like what Zuri said, gusto ko ding magkaroon ng sariling pagsusuri sa dugo ng kapatid natin nang sa gayon ay masaksihan iyon mismo ng sarili kong mga mata.”   “Wala namang mawawala sa atin,” ani Zuri. “Kaya hintayin nalang natin ang magiging resulta ng ikalawang pagsusuri na ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD