Chapter 47

1091 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Are you sure you want to do this?” tanong sa amin ni Lupica matapos kaming dalhin sa isang silid kung saan nakahanda ang mga equipment at samples na kakailanganin namin para sa pagte-test ng dugo ni Azmir. “This is the only way,” mahina kong sabi. “We need to make things clear so that we will know how to handle this.” Alam kong lalo lamang na hihirap ang posisyon namin sa loob at labas ng toreng ito kapag napatunayan namin na tama ang pagsusuri na ginawa nila Lupica sa dugo ni Azmir. And I am sure, kung may ganoong kakayahan ang dugo ni Azmir, agad na iisipin ng mga nakakaalam ng tungkol dito na maging kami nila Zuri at Adzel ay may kung ano ding kakayahan na maaari naming magamit laban sa mga erian. To be honest, ang magiging resulta ng re-run experiment na ito ay pareho ng naging resulta ng experiment na unang ginawa nila Lupica. Ang mga sinabi kasi ni Lupica ang nag-iisang paliwanag sa mga nangyayari kay Azmir. At kung ano ang sanhi ng mga iyon at kung bakit ngayon lang nangyari ang lahat ng ito ay ang hindi pa malinaw. At iyon ang dapat maging malinaw sa aming lahat. “What if you get the same result that we got?” tanong pa ni Lupica. “Then, I have to take an experiment again but this time, with the blood of the three of us.” Itinuro ko pa sina Zuri at Adzel. “I have the theory that the direct contact that we had in the 25th floor with a middle rank Erian is the reason why Azmir’s blood ability suddenly triggered.” “Well, we can assume that,” sabi ni Lupica. “Though, it was just a theory. Ang tingin ko kasi ay mula pa ng ipanganak kayo ay triggered na ang kakayahan niyong ito.” Kumunot ang noo ko. “At paano mo naman nasabi iyon?” “Because from what I see here, the four of you have deep connection with them,” paliwanag niya. “But the reason why you have that kind of connection is not too clear to me.” “Posible ba na pinag-eksperimentuhan na kami bago pa man kami maipanganak?” sabat ni Adzel. “O baka nang maipanganak na kami.” “Kung posible nga iyan, hindi na sana tayo pinapatakas ni Dad sa mga Archangel,” sabi ko. “Kasi kung iyan ang nangyari, eh ‘di dapat ay aware siya sa mga nangyayari sa atin noon.” “I think Adzel's ideal makes sense,” sabi ko. “But Dad doesn’t really have any idea so I was thinking that maybe it was our mother who is aware about the experiment.” “Oh,” Lupica remarks. “That makes sense.” “In what way?” “According to the data of your mother that I managed to get from the Archangel’s headquarters, your mother doesn’t have the same blood as the four of you have,” aniya. “Ibig sabihin noon, imposible na maituloy niya ang pagbubuntis sa inyong tatlo. Her blood will recognized all of you as a threat to her body and produce a protective proteins that will attack all of your cells that can cause miscarraige.” “But she managed to get us out alive and healthy.” “Isa pa iyan,” dagdag pa niya. “Rh null people are born anemic and have a frail body which is your state when you were born.” “What do you mean?” tanong ko. “You were alive when your mother gave birth to you,” he said. “But your body is not strong enough to survive the environment that we have on the ground floor. Kaya inaasahan talaga na hindi kayo magtatagal sa mundong ito. But…” Itinuro niya kami. “Look at the four of you. Strong, healthy and kicking. You even manage to put down a middle rank erian.” “And you are saying that because?” “I trace some erian blood in Azmir’s system,” walang kagatol-gatol niyag sabi na ikinalaki ng mga mata namin. “So I am assuming that the ability that you have in your blood has something to do with those bloods that mixed with yours.” Hindi ako makapagsalita matapos niyang sabihin iyon kaya agad ko na lamang siyang tinabig tsaka kumuha ng isang syringe at tinusok iyon sa braso ko. Dahan-dahan akong kumuha ng dugo ko pagkuwa’y humarap naman ako kina Adzel at Zuri. “Draw out some blood,” sabi ko sa kanila. “Hindi ko na kailangan pang patunayan kung totoo ang resulta ng pagsusuri nila sa dugo ni Azmir. Ang kailangan nating alamin ngayon ay kung totoo na mayroong erian blood sa sistema natin.” Agad naman nilang ginawa ang sinabi ko pagkuwa’y iniabot nila sa akin ang mga syringe na naglalaman ng dugo nila. “Anong gagawin mo kapag napatunayan mong tama ang sinasabi ko?” tanong ni Lupica. “Na ang kakayahang mayroon kayo ay dahil sa mga erian blood na nasa sistema niyo?” Binalingan ko siya. “May paraan ba para maalis iyon sa amin?” Umiling siya. “You have that blood since day one of your life and it is already mixed with your human blood so taking it out of your system is not really an option.” “Then, we don’t really have a choice but to use it at our own convenience,” sabi ko. “But doing this kind of test will give us a hint about the kind of ability that we got from those erian blood.” “I actually have an idea about that,” aniya na muli kong ikinakunot ng noo. “Ah, let me correct it. I only have an idea about the ability that your brother, Zuri, has.” Itinuro pa niya si Zuri kaya napabaling din ako dito. “And I am saying this based on what he did when you had a fight with that middle rank erian.” “If that is your basis,” Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “Are you saying that Zuri has the ability to kill an erian?” Ngumiti siya pagkuwa’y umiling. “I am saying that the four of you actually have that kind of ability. But your brother can kill them with base hands. No need for weapons. Only his own two hands.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD