Chapter 35

1182 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   “What the hell is your problem, young lady?” galit na sabi ni Lupica habang nakaluhod ngayon sa lupa at sapo ang kanyang sikmura na sinuntok ko kanina matapos ko siyang salubungin. “Bakit bigla ka nalang nanununtok? Hobby mo ba talaga iyan?”   “It was your fault for not telling me that you are going to face the Archangel,” sabi ko. “You know that it will cause you too much danger.”   “Pero ito lang din ang paraan para mapabalik ko sila sa ground floor at matigil panandalian ang paghahabol nila sa inyo,” paliwanag niya.   “You should at least tell me where you are going,” giit ko. “Paano pala kung hindi naging maganda ang pag-uusap niyo? Eh ‘di ikaw pa ang napahamak?”   Tinitigan niya ako at hindi sumagot ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay unti-unti siyang tumayo ng tuwid at ngumiti. “Hindi ko alam na ganyan ka pala mag-aalala sa akin.”   Napangiwi ako. “In your dreams, you idiot. Ayoko lang na ako ang sisihin ng mga kasama mo kapag napahamak ka.” Inirapan ko pa siya. “Anong nag-aalala ang pinagsasabi mo diyan.”   Nawala ang ngiti niya at napailing nalang. “Fine. I am sorry for not telling you about it. But like what I said, I just want to do something to lure and stop them from pursuing you even in just a brief moment.”   “And you don’t really need to worry about this idiot,” sabat ni Drew na isa sa mga kasama ni Lupica na umalis. Ang pagkakaalam ko ay isa din siya sa limang heneral ng grupo ng Archdemon. “Kung may mangyari mang masama sa kanya, hindi ikaw o sinuman sa mga kasama mo ang pagbubuntunan namin ng galit.” Itinuro niya si Lupica. “Siya mismo dahil lahat naman ng ginagawa niya ay sarili niyang desisyon.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Kung alam ko lang na ganyan pala ang magiging sagot nyo, hindi na sana ako nag-abalang mag-alala sa lalaking iyan.” Itinuro ko pa si Lupica na muling napangiwi.   “You are hurting my feelings, Raffi.”   Tinaasan ko siya ng kilay. “You are just being sensitive.”   Sa pagkakataong ito ay natawa na lamang siya at napailing ng ulo.   Akala niya siguro ay madadala niya ako sa mga paganyan-ganyan niya sa akin. Ang hindi niya alam, wala akong pakialam sa nararamdaman niya dahil hindi ko naman concern iyon.   “Fine,” anya. “And like what I said earlier, I am sorry for not telling you about this. Iniisip ko kasi na hindi ka papayag na magkaroon ng kahit ng sample ng dugo niyo ang Archangel kaya minabuti ko nang hindi sabihin ang plano ko.”   “Hindi talaga ako papayag lalo na ngayon kung kailan alam ko na kung ano talaga ang plano nilang gawin sa mga erian,” sambit ko. “But as per your reason, I can understand what you did. You just buy us some time so I guess you deserve my thank you. So, thank you.”   Tinaasan niya ako ng kilay. “Is that even genuine?”   “Huwag mo akong itutulad sa iyo noh,” ismid ko. “I mean it when I say thank you to someone.”   Napangiti na lang siyang ngumiti. “Well, if you say so.” Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad palapit sa tent niya. “Anyway, bakit nga pala gising ka pa? Tatlong oras din kaming nawala at sa mga pinagdaanan nyo sa loob ng buong araw, nakakamanghang hanggang ngayon ay may lakas ka pa din.”   “Hindi ako makatulog kapag masama ang timpla ko,” sagot ko. “Mas gusto kong may ginagawa kaysa matulog. At dahil nagawa mo namang pabalikin ang mga Archangel sa ground floor, then I can assume that we are safe in your territory for a couple of days.”   “I can say that,” sabi niya. “But you know the rules of this floor.”   “What about another vial of our blood?” tanong ko. “Iyon lang naman ang natatanging mahalagang bagay na mayroon kami dahil lahat ng materyal na bagay na pag-aari namin at ng pamilya namin ay iniwanan na namin.”   “Hindi lahat ng bagay ay madadaan mo lang sa dugo na tinataglay mo, Raffi,” sabi niya. “Why don’t you just use your body in exchange for staying here?”   Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang siniko sa sikmura. “Are you out of your mind?” Marahas ko ding inalis ang kamay niya sa braso ko at lumayo sa kanya. “p*****t, you idiot!”   “Damn,” mahina niyang daing habang sapo na naman ang sikmura. “Nakakarami ka na, Raffi.”   “Ikaw ang may kasalanan niyan,” natatawa na sabi ni Barbara, isa sa mga heneral ng Archdemon. “Tama bang sabihan mo ang isang babae na gamitin ang katawan niya kapalit ng pananatili dito?”   “Pero hindi naman iyon ang ibig kong sabihin,” giit niya. “Ang ibig kong sabihin ay tumulong ka na lang sa mga gawain dito.”   “D-dapat ay nililinaw mo!” sigaw ko sa kanya.   “Mamaya nyo na nga pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” sabi naman ni Monica, isa ding heneral ng Archdemon at kung tama ang pagkakarinig ko kanina ay siya ang right hand ni Lupica.   She is actually a blonde gorgeous woman but I heard that her ability to fight is far ahead from Lupica who is actually their commander.   Bumaling siya sa akin. “Why don’t you go back to Lupica’s tent and rest. Sa sitwasyon nyo ngayon, ang pahinga ang pinakaimportante kaya dapat ay ginagawa mo iyan kapag nabibigyan kayo ng pagkakataon.”   “But--” Plano ko pa sanang umangal pero agad na akong inakbayan ni Barbara at Drew.   “Nako, huwag ka nang umangal pa,” sabi pa ni Drew. “At huwag mo nang salungatin pa ang sinabi ni Monica dahil iyon naman talaga ang kailangan mo.”   Sa pagkakataong ito, sapilitan na nila akong hinila pabalik ng tent at ang tanging nagawa ko na lang ay sumunod sa kanila.   Kasi naman, binubulungan din ako ni Barbara na huwag nang tangkain na hindi sundin ang sinabi ni Monica kung ayaw kong maparusahan.   Apparently, Monica is like a mother figure to them kaya naman walang habas ito kung magparusa sa mga taong hindi sinusunod ang kanyang sinasabi kaya mas makakabuti daw kung magpapahinga na ako tulad ng sinabi nito nang hindi na ako masaktan pa.   Kinukulit ko pa nga sila kung ano ba ang maaaring gawin sa akin ni Monica pero ang tanging sinabi lang nila ay isang parusa kung saan hihilingin ko nalang na sana ay sumunod ako dahil gagawin ang parusang iyon sa harap ng lahat ng naninirahan sa palapag na ito.   At dahil ayoko namang maparusahan at mapahiya ay hindi na nga ako nagsalita pa. Mas mabuti nang sumunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD