Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Raffi… Raffi…” Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik na nararamdaman ko sa aking pisngi at sa malumanay na pagtawag sa pangalan ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Azu. “What do you want?” walang gana kong tanong. Dahan-dahan akong bumangon tsaka iginala ang tingin ko sa paligid. Matapos noon ay inilipat ko naman ang tingin ko sa suot kong relo at napabuntong hininga na lamang. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako habang hinihintay si Lupica at tatlong oras na din ang nakalipas mula nang umalis sila ay hindi pa din sila bumabalik sa kung saan man sina nagtungo. “Bakit hindi ka muna pumasok sa loob ng tent at doon magpahinga,” sabi ni Azu habang nananatiling nakaupo sa har

