Chapter 33

1131 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   Hindi ko alam kung saan nagpunta si Lupica at ang ilan sa mga kasama niya. Umalis kasi sila agad matapos nila kaming dalhan ng mga pagkain at mag-iisang oras na ay hindi pa din sila bumabalik.   “Are you waiting for Lupica?” tanong sa akin ni Adzel na lumabas din ng tent at naupo sa tabi ko.   “Kind of,” sagot ko. “Marami pa kasi akong gustong malaman mula sa kanya at alam kong limitado lang ang oras na makakasama natin sila kaya gusto kong sulitin ang pagkakataon na ito.”   “What about Azu?” aniya na ikinakunot ng noo ko. “Wala ka pa ding planong kausapin siya?”   Umiling ako. “Ako ba ang dapat ang unang makipag-usap?”   “Well, ikaw kasi ang nagalit at hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag,” aniya.   Napaismid ako. “Kasalanan naman niya,” sambit ko. “Isa pa, willing naman ako na ibigay kung ano ang napagkasunduan nila ni Zuri kapalit ng pagtulong niya sa atin na makalabas sa toreng ito. Pero huwag niyang asahan na magiging maayos pa ang pakikisama ko sa kanya.” Ibinaling ko ang aking tingin sa mataas na kisame ng palapag na ito.   I am done with that kind of person and the remaining time that we will be with each other will remain business. Nothing less, nothing more.   “Don’t you feel bad for him?” tanong niya.   “And why would I?”   “I heard from Zuri that his two young sisters are still in the hands of Archangel.” Napatingin akong muli sa kanya. “And that is the real reason why he decided to join that group.”   “Anong ginagawa ng Archangel sa mga kapatid niya?”   “They are Archangel’s human subject.”   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “What?”   Tumangu-tango siya. “Apparently, Archangel learned that erian is weak in a certain type of blood and that is the reason why they want to know the blood type of every person they brought to them.”   “So, they tested every possible blood type that they have in their laboratory?” tanong ko. “And the erian that they captured reacted to a certain type of blood?”   Muli siyang tumango. “Yeah, you are right. And Azu’s sisters also have a rare blood type that they inherited from their late father.”   “What kind of blood type?”   “AB-negative,” sagot niya. “And I don’t really know the effect of that blood toward the erian but it seems like Archangel injected erian blood to his sibling’s body.”   Shit! What the hell are they doing?   “It seems like erian’s blood can enhance the physical ability of those people with that kind of blood type,” dagdag niya. “And it is according to what I heard from Zuri. Hindi pa din naman sigurado si Azu sa kung ano ang kalagayan ng mga kapatid niya sa mga oras na ito pero nang malaman niya ang kakayahan ng dugo natin ay agad pumasok sa isip niya ang posibilidad na makatulong ito upang maalis niya ang dugo ng mga erian sa katawan ng mga kapatid niya.”   “At naisip naman niya siguro na hindi iyon magiging madali, hindi ba?”   “Well, iyon kasi ang pinaghahandaan niya kaya kahit hindi tama ay sinisingil niya ng malaking halaga ang bawat taong iga-guide niya sa pag-akyat sa toreng ito,” dagdag pa nito. “Mayroon pa din siyang contact sa mga Archangel at humihingi ito ng malaking halaga sa kanya para mailabas niya ang mga kapatid at iyon ang pinag-iipunan niya.”   Natigil ako sa pagre-react at napabuntong hininga. “Now, I feel bad for him.” Inis kong pinitik ang tainga niya. “You shouldn’t have told me that! Nagi-guity tuloy ako sa ginawa ko kanina.”   Napangiti siya pagkuwa’y kumapit sa braso ko. “Ito ang kapatid na kilala ko. Hindi iyong kanina na pinangunahan ng galit at sumigaw.”   Napairap nalang ako sa kanya at bumuntong hininga. “Now I feel like I need to say sorry to him. For acting like that when I didn’t even know his circumstances.” Ginulo ko ang buhok ko. “But my pride won’t let me kasi hindi naman iyong trabaho niya ang ikinaiinis ko.”   “Why don’t you  talk to him?” tanong niya. “It is not like you need to say sorry for him kasi nagkamali din naman siya. But you should still talk to him because I am sure that both of you are just having some kind of misunderstanding.”   “Misunderstanding.” I often used that word in every argument that I had with people who judge me because they don’t know what I really did for the people of this tower.   Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘misunderstanding’ lang ang lahat dahil wala silang nalalaman tungkol sa kung ano talaga ang goal ko.   I always told myself that they just misunderstood my intentions.   Pero alam kong masyado ng gasgas ang salitang iyon.   It is not a simple misunderstanding because we intentionally didn’t care about the things that we both do. We ignore the opinion of each other and assume that we both do something that is not good for the people we hold dear.   “I will think about it,” mahina kong sabi. “For now, ayoko na muna siyang makausap because I am still mad. At the same time, guilty.”   “Well, that is better than having the two of you get into an argument again.” Niyakap niya ako pagkuwa’y bumitaw din agad at tumayo. “There are a lot of things inside Lupica’s tent. I am sure that you will love all those things.”   “Nakita ko na ang lahat ng iyon,” sabi ko. “Hindi ba’t ang mga iyon nga ang dahilan kung bakit nabuksan ang mga topic na napag-usapan natin kanina sa loob na naging dahilan ng away at pagtatagal natin dito?”   “Oh,” aniya. “Ang mga iyon din ba ang dahilan kung bakit hinihintay mo dito si Lupica imbes na nagpapahinga ka?”   Tumango ako. “Gusto kong malaman ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa mga bagay na nasa loob ng tent na iyon sa lalong madaling panahon dahil hindi naman maaaring magtagal pa tayo dito ng higit sa isang araw.”   “But sacrificing your rest will not be a good idea.”   “It will.” Ngumiti ako. “Dahil nasisiguro ko na ang lahat ng bagay na malalaman natin sa lalaking iyon ay makakatulong sa pagpapatuloy ng paglalakbay natin paakyat sa toreng ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD