Raziel Raffia Lynwood’s Pov “Oh my god!” Agad kong inilabas ang espada na ibinigay sa akin ni Zuri noong umalis kami ng 15th floor. Maging ang mga kasama ko ay agad ding naalerto nang makita ang nilalang na ngayon ay nasa likod na ni Dea. “Erian,” mahinang sambit ni Zuri. Tama, isang erian nga ang nasa harap namin ngayon. At nasasabi ko ito dahil tumutugma ang deskripsyon nito sa mga sinabi ni Azu sa akin noong nakaraang araw. May taas at laki na doble ng isang normal na tayo. May mahabang buhok at maitim na balat. At maliban sa bibig nito sa mukha ay mayroon din itong bibig sa kanyang dibdib. Akma akong susugod dito ngunit mabilis na humarang sa harap ko si Azu. “W-why?” Umiling siya at sumenyas na huwag maingay. Humarap din siya kay Dea at sinesenyasan ito

