Raziel Raffia Lynwood’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang mga mukha nila Azmir, Adzel at Zuri na nakapaligid sa akin. Doon ko din napansin na nakahiga pala ako sa sahig at kasalukuyan kaming nandito ngayon sa hagdan na dinaanan namin paakyat ng ikalabing limang palapag. “Raffi,” tawag ng tatlo sa pangalan ko. Inalalayan ako ni Adzel na makabangon. “Are you okay? Wala ka bang nararamdamang masakit?” Umiling ako. “I am fine.” Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagya itong kumirot pero kaya ko namang tiisin kaya hindi ko na binanggit pa sa kanila. At doon ko isa-isang inalala ang mga nangyari kanina. Ang pagsasagutan at pag-iinarte ni Dea. Ang pag-iingay niya na siyang naka-attract ng isang erian. Ang pagtatangka ni Adz

