Raziel Raffia Lynwood’s Pov Woah! Hindi ko inaasahan na isang malaking butas pala ang ikatlong shortcut na tinutukoy ni Azu kaya manghang-mangha ako nang makita ito. Masyado itong malaki at sa bawat markings na makikita sa paligid nito ay masasabing hindi ito natural na porma ng lugar na ito. “This hole was built by an Erian general to infiltrate the lower floor where they can spy on this place.” sabi ni Azu na ikinalingon ko sa kanya. “And they start digging this side of the tower from the 40th floor upto 13th floor. At konektado din ang shortcut na ito sa lahat ng palapag na sakop ng mga iyon.” “What?” Itinuro ko ang malaking butas na ngayon ay nasa harap namin. “Mula ito sa 40th hanggang 13th?” Tumango siya. “Well, iyan ang nabasa ko sa mga files na mayroon ang A

