Chapter 19

1496 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   “Are you sure about this?” tanong ni Zuri habang inaayos na namin ang mga gamit namin. “Tingin ko naman ay kakayanin nila ang--”   Binalingan ko siya. “Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan nila pero doon ako sa daang kung saan maliit ang tyansa na may mapahamak sa atin,” sabi ko. “So, to answer your question? Yes, I am sure of this.”   Bumuntong hininga siya. “Okay. Pero ipapaalala ko lang na posibleng mga Erian naman ang sumalubong sa atin pagdating natin sa 25th floor.”   “I am aware of that.” Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng gamit ko na ginulo nila Azmir at Adzel dahil patuloy pa din sila sa ginagawa nilang pagdo-drawing ng mapa. “At may plano na ako para sa mga iyon.”   “Really?”   “Yes,” sagot ko. “Kaya ituloy mo na iyang ginagawa mo dahil masama na naman ang tingin sa akin ng mga kaibigan mong babae.”   Hindi ko alam kung anong pang trip ng mga iyan sa akin. Hindi pa din yata sila maka-move on na hindi umepekto sa akin ang pagpapanggap nilang nice kaya naman hanggang ngayon ay pinaninindigan pa din nila ang ganitong attitude.   Inirapan ko nalang sila at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.   Since nakarating na si Azu sa palapag na iyon ay sinabi na niya sa akin ang mga posible naming abutan sa 25th floor.   Unang-una na doon ang isang grupo ng Erian na maaaring sugurin agad kami oras na makita nila kami. At siguradong agresibo ang mga iyon sa mga oras na ito dahil kung pagbabasehan ang tagal ng pananatili nila sa palapag na iyon ay posibleng matagal na panahon na din silang hindi nakakakain ng tao.   Kaya naman pinahanda ko na sa kanila ang mga sandatang dala nila.   Yes, weapons.   Guns, swords and even explosives. Dala nilang lahat iyan at iisang tao lang ang nagbibitbit. Tingin ko ay iniiwasan nilang malaman ko ang tungkol doon at hindi ko alam kung bakit.   Hindi na din ako nag-usisa pa doon dahil mas mahalaga na mayroon kaming bagay na makakapagtanggol sa amin kapag nakaharap na namin ang mga Erian na ayon sa mga libro ay kumakain ng mga tulad naming buhay na tao.   Tingin ko naman ay sanay din sa pakikipaglaban ang mga kaibigan ni Zuri kaya ipapaubaya ko na sa kanila ang lahat oras na marating namin ang palapag na iyon.   Pero hindi naman ako nagpapakakampante. Posibleng ang nalalaman nila Zuri at Azu tungkol sa mga shortcut na ito ay nagbago na dahil halos tatlong buwan na din nang huli nila itong nagamit kaya sinabihan ko ang lahat na ihanda ang sarili at sigurugin na may sapat na sandata silang bitbit para kung sakaling magkagulatan man.   At nang masigurong maayos na ang lahat ay agad na kaming lumakad.   Syempre, para matakpan ang marka ng bakas namin ay nagpaikot-ikot muna kami at tinahak ang ikatlong shortcut. Nang sa gayon ay malaman man nilang dito kami nagtagal ay hindi agad nila malalaman kung saang floor ang sunod naming tungo.   Matapos naming mabura ang marka namin ay tinahak na namin ang daan patungo sa ikalawang shortcut na siyang magdadala sa amin sa ika dalawamput limang palapag kung saan magsisimula ang paghaharap namin ng mga Erian.   “I still can’t believe that every floor of this tower has its own ecosystem,” sambit ni Adzel habang tinitingnan ang kanyang drawing ng mga palapag na napuntahan niya.   “Nakakapagtaka pa ba iyon?” tanong ni Azmir. “Mayroon ngang artificial sun ang ground floor at 13th floor na siyang main factor para sa pagpapatubo ng mga pananim, hindi ba?”   Humarap siya dito. “Like what you said, artificial. Meaning, man made. Pero iyong mga nasaksihan natin matapos tayong umalis ng ground floor, iyon ay natural. Mismong parte ng tower na ito kaya talagang nakakapagtaka at nakakamangha na malaman kung ano ang sikretong bumabalot sa toreng ito.”   “Hindi ba’t nasa libro naman ang ilang impormasyon tungkol sa tore?” sabat ni Heri. “Itinayo ito sa panahong nabubuhay pa ang unang founder ng Archangel. Ang sabi ay isa itong building na itinayo lamang ng tao.”   “Then, is it a man-made structure?” tanong ko.   “But everything in every floor upstairs will tell you that this is beyond human capabilities,” sabi naman ni Azu.   He is right. Hindi nga kayang likhain ng kahit anong paraan ng siyensya ang kagubatan na nakita namin sa 13th floor. And a certain floor that this tower has will consume a lot of years to construct.   Kaya maaaring mali din ang inaakala naming kasaysayan ng toreng kinalakihan namin.   Maaaring minanipula lamang iyon ng Tower Government at Archangel upang putulin ang kuryosidad ng mga tao at mapanatili sila sa loob ng toreng ito.   Maaaring pinapalabas lamang nila na tao ang gumawa ng toreng ito upang hindi kwestunin ng ibang naninirahan dito ang kakayahan nila laban sa mga Erian.   “Wala na talagang kapani-paniwala sa mga impormasyong nilalabas ng Tower Government,” sabi ni Dea. “Puro kasinungalingan na lamang iyon para mapanatili nilang kontrolado ang mga nasasakupan nila.”   “Yeah,” pagsang-ayon naman ni Issa. “Masyado silang takot na malaman ng mga mamamayan ng toreng ito ang totoo kaya kinailangan nilang gumawa ng kwento para mapanatili ang kapangyarihan sa kanila.”   “Minsan din kayong naging parte ng Tower Government kaya huwag nyo naman sanang ipakita na parang lahat ng kabilang sa kanila ay masama,” sabat ko. Hindi na ako nakapagpigil dahil hindi na maganda sa pandinig ko ang sinabi nila.   “Bakit? Nasasaktan ka?” may paghahamong sabi ni Dea. Akma pa siyang susugod sa akin pero mabilis siyang pinigilan ni Heri.   Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit ako masasaktan? From what I know, hindi ako kabilang sa Tower Government. Hindi ko rin naman ipinagtatanggol ang mga ginawa ng tatay ko pero hindi lahat ay tulad niya. Mayroon ding tulad ng tatay ni Heri na mas ginugusto pa ding tumulong sa mga mamamayan ng toreng ito kahit alam nilang mapanganib para sa kanila.”   “And look what happened to them!” bulyaw pa niya.   “Hey,” singit ni Heri. “Wala namang sinasabing masama si Raffi pero kung makapag-react ka diyan ay para bang ikaw ang sinaktan niya.”   Marahas na hinarap ni Dea si Heri. “So? Kakampihan mo siya?”   “Hindi niya ako kinakampihan.” Ako na ang sumagot. “Sadyang wala ka lang sa tama. Hindi ko naman sinabing huwag kayong magalit sa Tower Government. Ang akin lang, ilugar nyo iyang galit nyo dahil hindi nakakatulong sa sitwasyon natin ngayon.”   Matalim siyang tumingin sa akin at dinuro-duro pa ako. “Aba’t ang lakas ng loob mo ah. Akala mo ba ay magiging mabait ako sa iyo porket kapatid ka ni Zuri?”   “Sinabi ko bang maging mabait ka sa akin?” balik ko sa kanya at bumaling kay Zuri. “Pagsabihan mo nga iyang babae mo at baka kung ano pa ang magawa ko diyan.”   “Raffi.” Bakas sa mga mata ni Zuri ang pakikiusap na huwag ko nang patulan si Dea. “Please?”   “Wala akong masamang sinabi kaya siya ang pagsabihan mo.” Inirapan ko sila habang si Dea ay patuloy pa din sa akmang pagsugod sa akin.   Hindi lang niya magawa dahil sina Heri at Lassi na humahawak sa kanya. Si Issa ay tahimik lang sa tabi pero masama na ang tingin sa akin.   “Ang ingay nyo!” bulyaw ni Azu. “Hindi niyo ba naisip na baka may mga nakarating na sa palapag na ito at hinahanap na tayo?”   Itinuro ko si Dea. “Iyan ang pagsabihan mo. Ang ingay.”   Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. “At siya pa talaga ang tinuro mo?”   Tumango ako. “Mahina lang kaya ang boses ko.”   Napailing nalang siya at bumaling kina Heri na hirap pa ding pakalmahin si Dea. “Tingnan mo nga ang ginawa mo. Paano tatahimik iyan? Eh ginalit mo ng todo.”   “Nako, easy lang iyan.” Ngumiti ako sa kanya tsaka nilapitan si Dea.   Sandali silang natigilan at napakunot noo habang nakatingin sa akin. Siguro ay hinihintay kung ano ang gagawin ko.   Kaya naman lalo kong nilakihan ang ngiti ko pagkuwa’y mabilis na sinuntok sa mukha si Dea.   “Oh, tahimik na,” sabi ko kay Azu nang mawalan na ng malay si Dea. “Ngayon, maglakad na uli tayo.”   Well, nung nakaraan ko pa talaga gustong sapakin ang babaeng iyan. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon kaya hindi ko na pinalagpas.   Kaya nga kapag nagsalita pa si Issa, baka siya naman ang makatikim ng kamao ko dahil hindi ako magdadalawang-isip na manakit ngayon.   “Wala ka talagang awa, sis,” naiiling na sabi ni Adzel. “Remind me later not to annoy you, okay?”   Nginitian ko nalang siya pagkuwa’y nagpatuloy na sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD