Adzel Euri Lynwood’s Pov Like what Raziel said earlier, this shortcut is much different from the normal terrain that we use to get to the next floor but this is far safer than the other one she and Azu showed to us. Pero hindi pa din pwedeng maging kampante lalo na’t ang palapag na dadatnan namin ay tinitigilan ng isang grupo ng mga Erian na posibleng agad na sumugod sa amin kapag nakita kami. Kaya naman sinusulit ko na ang ligtas na sitwasyon namin ngayon at sinisimulang i-drawing ang mga nakikita ko sa paligid ko. Alam kong hindi namin mapapakinabangan ito oras na nasa labas na kami pero iniisip kong iwan ito sa loob nang sa gayon ay muling makuha ng mga naninirahan dito ang kontrol sa buong tore. Sa ganoong paraan ay hindi na nila kinakailangan pang makipagkasundo sa

