Raziel Raffia Lynwood’s Pov Hindi ko inaasahan ang dadatnan ko sa ikalabing pitong palapag. Hindi ito tulad ng mga nasa ibabang palapag na may mga halaman pa ding makikita sa mga gilid-gilid nito. Ang palapag na ito kasi ay puro bato lamang. At kung hindi ako nagkakamali sa nabasa ko sa isang libro, ang ganitong klaseng mga bato ay makikita lamang sa mga kuweba na nasa isang bundok. Though, I am still not sure kung ganito ba ang kabuuan ng buong palapag dahil nagpasya na kaming magpahinga muna. “Nakarating ka na din sa palapag na ito, right?” tanong ko kay Zuri na kasalukuyang sinasandalan ko ngayon. “Yup,” aniya. “But we never had a chance to explore it because what was on our mind at that time was to reach as many floors as we can for the limited time we had.” “Iy

