Raziel Raffia Lynwood’s Pov Matinding galit ang nararamdaman ngayon ng mga kaibigan ni Zuri habang tinatahak na namin ang hagdan patungo sa ikalabing pitong palapag. Pero hindi para sa akin ang galit na nararamdaman nila. Iyon ay para kay Azu. But technically, what Azu did was actually my idea. Sinarili lang niya dahil alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng mga kaibigan nila at alam nila ni Zuri na posibleng magkaproblema lang ang paglalakbay namin kung patuloy silang magagalit sa akin. “Hindi mo ba ramdam ang tensyon sa pagitan nila?” bulong sa akin ni Adzel. “Ano kayang dahilan at galit na galit sila kay-- Aww!” Inis siyang bumaling sa akin at binigyan ako ng masamang tingin habang hinihimas ang kanyang pisngi na pinisil ko ng madiin. “Why did you do that?” “Don

