Chapter 2

1629 Words
Hindi malaman ang gagawin ng kabataang si Renza nang masaksihan niya ang kaniyang inang bumagsak sa sahig. Hindi niya narinig kung ano ang sinabi ng kausap nito sa cellphone kaya wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Nagpanic siya nang husto at halos 'di siya makapagsalita sa sobrang pagkabigla. "T-Tulong..." pinilit niya ang kaniyang sarili na mailabas ang katagang iyon. Nauutal at nanginginig siya habang niyuyugyog ang inang nawalan ng malay at nakahandusay sa sahig. "Tulong! Tulungan niyo po kami!" Sa wakas nailakas niya na rin ang kaniyang tinig. Wala siyang humpay sa kakasigaw ng tulong. Mabuti naman at may tumalima agad na kapitbahay. Tinulungan siya nitong mailipat sa sofa ang kaniyang ina at itinaas ang bahagi ng ulo nito. Inutasan pa siyang huwag tumigil sa pagpapaypay habang hinihilot ng kapitbahay niya ang sikmura at pagkatapos ay mga daliri ng kaniyang ina para manauli ang diwa nito. "Nasaan pala ang daddy mo?" baling sa kaniya ng may-edad niyang kapitbahay. "'Di pa nga po dumating, nanay Cora. Nag-aalala na po si mommy. Kanina akala ko ang daddy ang kausap niya pero bigla na lang po siyang hinimatay," mangiyak-ngiyak niyang tugon. "Wala ka bang malapit na kamag-anak dito?" "Wala po. Pero may kaibigan po si mommy sa San Juan St. Sandali po, itetext ko lang po." Dali-daling kinuha niya ang cellphone ng ina niya at nagpadala siya ng mensahe sa Tita Carina niya kaya lang hindi ito nagrereply kaya tinawagan niya na lang ito. Walay humpay pa rin ang may-edad sa paghihilot sa kaniyang ina. Pagkatapos ay dumukot ito ng napakaliit na bote sa kaniyang bulsa at itinapat ito sa ilong ng kaniyang ina. Marahil iyon ay ang white flower ka kilalang gamot para sa pagkahilo o sinisikmura at nagpapagising ng diwa. Hanggang sa unti-unting gumalaw ang mga kamay ng kaniyang ina at umungol. Sa wakas, nagising din ang diwa ng kaniyang ina pero wala pa rin itong sapat na lakas para tumayo. Nang makita siya ay bigla na lang itong humagulgol nang may kapaitan. "Mom, are you okay? You scared me to death," niyakap niya ito kaya lalo pang humagulgol. "Mom, what's wrong? What happened?" hindi na rin napigilan ni Renza na maiyak sa iginawi ng ina. Maya-maya pa ay dumating si Carina at ang anak nitong si Reynold. Dali-dali itong pumasok para alamin ang kalagayan ng mag-ina. "Oh my goodness! Annie, are you okay? What happened?" sinugod ng yakap ni Carina ang kaibigang nakahilig pa rin sa sofa. At lalong tumangis si Annie nang pagkakataong iyon. Kaya sumingit na ang may-edad nilang kapitbahay. "Anak, huminahon ka muna. Huminga ka muna ng malalim para lumuwag ang kalolooban mo," hinaplos-haplos pa nito ang balikat ni Annie at unti-unti namang kumalma si Annie. "S-si Lawrence..." nauutal na wika ni Annie dahil sa paghikbi niya. Matama namang nag-aabang ang lahat sa sasabihin niya. "Bakit, anong nangyari kay Lawrence?" tanong ni Carina na kanina pa nag-aalala. "Si Lawrence p-patay na," hindi niya uli napigilan pa ang sarili at muling tumangis nang may kapaitan. Hindi naman agad nakapagsalita ang lahat sa pagkabigla. Mga ilang sandali munang prinoseso ng utak nila ang narinig. "Ano!" hindi makapaniwalang bulalas ni Carina nang magsynch-in na sa utak niya ang mga sinabi. "T-tumawag sa akin ang JP Rizal Memorial Hospital kanina. D-dead on arrival daw siya at 'di na narecover pa. Nabangga daw ang pick up niya ng trailer van na nawalan ng preno." Kahit nahirapan si Toni na magsalita dahil sa paghikbi, pilit niya pa ring naitawid ang mga sasabihin. Hindi agad natanto ng murang isipan ni Renza ang nangyayari. Ayaw niyang paniwalaan ang kaniyang narinig. Apat na oras pa lang ang nakalipas nang makita niya ang kaniyang ama, kaya iniisip niya na imposibleng patay na ito. Pilit niya pa ring kinukumbinse ang kaniyang sarili na biro lang ang lahat. Biro lang. Pero walang humpay pa rin ang pagtangis ng kaniyang ina kaya natitiyak niyang kung na anuman ang nangyari sa kaniyang ama, ang unang maaapektuhan ay kaniyang ina. Kaya maging siya ay hindi na rin nakapagpigil ng emosyon. Para makumpirma ang balita, agad-agad silang nagbiyahe papunta sa naturang ospital. Halos isa't kalahating oras pa ang biyahe nila papuntang Calamba, Laguna na kinaroroonan nito. Pinilit nilang maging kalmante habang lulan ng kotse na halos paliparan ang takbo sa sobrang bilis. Habang nasa biyahe, walang humpay ang panalangin ni Renza na sana ay nagkamali lang ang ospital sa identity ng tao. At sana ay buhay pa ang kaniyang ama. Dahil hindi nila kakayaning mag-ina na mabuhay kung wala ang kaniyang minamahal na ama. Nang makarating sila sa ospital, agad-agad silang nagtanong kung may Lawrence Montemayor nga na ipinasok at kung ano ang kalagayan nito. Kinumpirma naman ito ng admission at isinalaysay sa kanila ang nangyari. Dalawa ang isinugod, makahimalang nakaligtas si Randy ngunit kasalukuyang nasa operating room. Pero si Lawrence ay kumpirmadong dead on arrival at nasa morgue na. Naglupasay ang kaniyang ina nang marinig ang ang kumpirmasyong iyon. Mabuti na lang at karamay nila ang mag-ina matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Kaya pakiramdam ni Renza ay hindi siya nag-iisa. Habang tinutungo nila ang morgue, pinatibay naman siya ni Reynold. "We are always be here for your family, Renza," wika nito at hinawakan nito ang kamay niya. At kahit papaano'y nakaramdam siya ng lakas mula sa init na dampi ng kamay nito. Halos hindi maihakbang ni Renza ang kaniyang mga paa nang nasa bungad na sila ng pintuan ng morgue. Baka hindi niya makayanan ang sakit kapag nakita niya ang ama sa ganoong kalagayan. Pero patakbong pumasok ang kaniyang ina at nagtanong sa attendant. Kaya napilitan din siya sumunod dito. Hindi pa man nailabas ang bangkay pero nagsitangisan na ang mga kasama niya kaya maging siya ay tumangis din. Lalo nang makita na niya ang nakakahabag na hitsura ng kaniyang ama na nakahiga sa stainless na mesa. "DADDY!!!" Nagpalahaw siya nang may kapaitan sa sobrang sakit ng kaniyang kalooban. Pakiramdam niya'y mamamatay na rin siya. Pero kung may higit na nasakatan sa nangyari, ito ay walang iba kundi ang kaniyang ina. Tiyak na walang salitang makakalarawan sa sakit na dulot ng mawalan ng mahal sa buhay. Kinaumagahan na nang maiuwi sa tahanan ng mga Montemayor ang mga labi ni Lawrence. Dagsa ang nakiramay sa kanila. Mula kamag-anak, kaibigan at mga kliyente. Isang mabuting tao ang kaniyang ama kaya hindi na kataka-taka iyon. Pero ang tanging inaalala ni Renza ay ang nagdadalamhating ina na walang lubay sa pag-iyak habang nakadungaw sa kabaong ng kaniyang ama. "Mommy, we're gonna be okay," niyakap niya ito. "Sweetheart, bakit ang daddy mo pa? Bakit niya tayo iniwan nang ganoon na lang?" humagulgol uli ito. Pilit na pinigilan ni Renza ang sariling huwag umiiyak para 'di madagdagan ang bigat na naramdaman ng kaniyang ina. "Don't worry mommy. Hindi kita iiwan kahit kailan. Pinapangako ko po sa inyo, aalagaan ko kayo tulad ng pag-alaga sa inyo ni daddy. Kahit pa hindi ako mag-aasawa balang araw." Hindi pa rin siya lumubay sa pagkakayakap dito. "Sweetheart, hindi mo alam ang sinasabi mo? Paano na tayo ngayong wala na ang dad mo? Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya," sinisikap ng kaniyang ina huminga dahil nahirapan siyang huminiga sa sakit ng naramdaman. Parang pinagsasaksak ng tabak ang kaniyang puso sa sakit. "Mom, pinapangako ko po sa inyo 'yon. Kung kailangang 'di ako mag-asawa balang araw para sa inyo, gagawin ko," taimtim na wika ni Renza. Kahit pa walong taong gulang pa lang siya, seryoso siya sa kaniyang sinabi. Samantalang si Carina ay nasa likuran nila. Nahirapan siya kung paano aaliwin ang mag-ina. Hindi niya alam kung anong tamang salita para maibsan ang sakit na naramdaman nila. Pero hindi niya naman kayang panoorin na lang sila at walang gagawin. Kailangan makaisip siya ng paraan para maibsan ang pagdadalamhati ng mga ito. Pero may nakuha siyang maliit na pulyeto na nakausli sa mailbox ng mga ito mga ilang minunoto ang nakalipas. Nakatawag-pansin sa kaniya ang mga nilalaman nito, kaya naisip niya na baka puwede itong gamitin para maaliw ang mag-ina. Dahan-dahan siya lumapit sa mga ito. "Uhm...friend, 'di ko alam kung paano ko mapagagaan ang kalooban mo pero may nakuha ang flyers sa mailbox mo at parang tamang-tama ito sa sitwasyon mo," bungad ni Carina sa mag-ina. "Okay lang 'yon friend. Nagpapasalamat nga ako at hindi mo ako iniwan. Teka, ano ba 'yon?" sabik siya na malaman ang nilalaman ng flyers na iyon. "Eto oh," pinakita ito ni Carina sa kaniya. "Puwede Pa Bang Mabuhay Ang Mga Patay?' Ano iyan?" nagtatakang tanong ni Annie matapos basahin ang pamagat. "Well, nabasa ko diyan na magkakaroon ng pagkabuhay-muli sa hinaharap at puwede nating makapiling muli ang ating mahal sa buhay na patay na. Sabi ng mga verses sa Bible na nakasulat. Sabi pa nga doon, hindi gusto ng Diyos na mamatay ang tao," paliwanag ni Carina. "Really, tita?" nabuhayan ng loob si Renza sa narinig. "Sana nga totoo 'yan Carina," wika ni Annie habang nakatingin sa kawalan. "Eh 'di ba nga galing ito sa Bible? Salita ng Diyos 'yon. Wala namang mawawala siguro kung maniniwala tayo dito eh. Hindi ba nakakarelieve pa ngang pakinggan?" "Sana nga Carina," pagkatapos ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Bakas sa mukha ni Annie ang pag-aasam na magkatotoo nga iyon. Kahit papaano ay gumaan ang nararamdan ni Annie nang marinig ang mga sinabi ni Carina. Hindi siya relihiyoso pero sa pagkakataong iyon, kahit papaano ay nagdulot ito ng kaaliwan sa kaniya. Lumuwang unti ang pakiramdam niya. Marahil mga paraan iyon ng Diyos para maibsan ang sakit na idinulot ng pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal na asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD