bc

MessUnderstood [Tagalog]

book_age16+
2.6K
FOLLOW
13.9K
READ
opposites attract
friends to lovers
goodgirl
tomboy
independent
drama
comedy
childhood crush
lies
photographer
like
intro-logo
Blurb

Anna Lorenza Montemayor, a woman who doesn't have time to love and afraid to love after the traumatic car accident that killed her father way back when she was just an 8-year old kid. Some years later, she met her long lost childhood friend, Reynold who is the son of her mother's business partner. All the time, she thought her childhood friend was a gay. Due to their closeness she fell in love with him, despite the thought of him being a gay. She did a lot crazy things just to make him a man. Would she ever win the fight for love or it would remain MessUnderstood?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Masyadong abala ang tahanan ng mga Montemayor. Alam niyo namang itong si Annie napakaraming seremonyas tuwing bagong gising. Maliligo na nga lang kung anu-ano pa ang ginawa, na siya namang kabaliktaran ng asawa niyang si Lawrence. Sampung taon na silang kasal pero parang wala namang nagbago sa kanilang mga rutina. Nadagdagan nga lang dahil may anak na sila ngayon at walong taong gulang na. Ang pangalan ng anak nila ay galing mismo sa pangalan nilang dalawa, Anna Lorenza Montinola, sa maiksi ay Renza. Halatang mahal na mahal ni Annie ang asawa niya dahil ang katibayan nito ay ang anak nila na carbon copy ng asawa niya. Pati ugali ay kopyang-kopya. "Sweetheart, magbihis ka na. Huwag mo nang antayin si mommy at sobrang bagal niyan," wika ni Lawrence sa kaniyang unica hija habang inaayos ang kaniyang necktie. Personipikasyon pa rin si Lawrence ng kaguwapuhan kahit sampung taon ng may-asawa. Lalo na ang dimples nito, pamatay pa rin kapag ngumiti. "Yes, dad," tugon naman ni Renza habang tinutungo ang cabinet para kumuha ng bestida. Sabagay, kahit walong taong gulang pa lang si Renza, lumaki siyang independent. Nakuha niya ito sa ama niya kaya tagalang nagkakasundo sila sa lahat ng bagay pati na sa mga hilig. Ito ang babae at batang bersiyon ni Lawrence Montemayor. "Hon, bilisan mo. Malelate na tayo!" sigaw ni Lawrence kay Annie na halos isang oras na sa banyo. "Wait lang, hon! Nandiyan na!" tugon naman nito. Mga ilang sandali pa ay lumabas na ito at tila nagulat pa sa itsura ng asawa. "Oh my! Ang guwapo naman ng asawa ko," napatutop pa si Annie sa kaniyang mga labi. Pero walang halong biro 'yon. Tagalang kinikilig si Annie sa mga sandaling iyon na animo'y teenager. "At ang ganda-ganda din ng asawa ko." Unti-unti lumapit si Lawrence dito, dumukwang at hinalikan nang buong suyo ang asawang bagong ligo. Nakakapagtaka! Kung ganito ka-sweet ang mag-asawa, bakit isa lang ang anak nila? "Mom, dad malelate na nga tayo, hindi ba?" tumikhim si Renza para putulin ang lambingan ng dalawa sa harapan niya. "Oh! Uhm...Hon, mauna na lang kami ni Randy. Kailangan naming kunan ang venue ng wedding bago darating ang mga bisita." Isang photographer si Lawrence at marami na itong naging bigating kliyente gaya ng mga iba't-ibang lifestyle magazines, weddings at iba pa. Hangang ngayon at si Randy pa rin ang kaniyang bestfriend at kasosyo ang kaniyang kasama sa mga photo shoots nila. Samantalang, wedding planner naman ang asawa niyang si Annie kasama ang mag-asawang Carina at Arnold na kasosyo niya sa Tie The Knot wedding shop. "Sige, hon. Makikisabay na lang kami nila Carina. Ingat sa pagdadrive, hon. I love you." Hinalikan uli nito ang asawa niya. "I love you more, hon. And i love you sweetheart," bumaling naman ito sa anak at hinalikan ang noo nito. "Love you, dad. Take care." Baka magtaka kayo kung sino ang ikakasal. Well, si Terry lang naman ang taong muntikan ng maging asawa ni Annie noon. Mabuti na lang at nanaig ang pag-ibig nito kay Lawrence kaya 'di natuloy. Ang tagal bago nakahanap si Terry ng totoong magmamahal sa kaniya. Sa wakas ikakasal din siya. At bongga ang kasal dahil sa exclusive beach resort pa ito gaganapin na pagmamay-ari mismo ng mapapangasawa niya na taga San Juan, Batangas. Kaya medyo malayo ang venue, dahilan para magmamadali itong si Lawrence. Nang matapos mag-ayos ang mag-ina, tumungo ang mga ito sa shop para doon na mag-antay sa mag-asawang Carina at Arnold. Mga ilang sandali pa ay bumusena na si Arnold sa labas. "Annie!'' sigaw ni Carina. ''Come on! Let's go! Malelate na tayo, Batangas pa 'yon," pahabol nito. Dali-dali namang bumaba ang mag-ina mula sa ikalawang palapag ng gusali. Parang wala pa ring pinagbago ang shop nila, dilaw pa rin ang pintura mula nang mag-asawa si Annie at Lawrence. "Nandiyan na!" tugon naman ni Annie habang inaalalayan ang kaniyang unica hija na bumababa sa spiral stairs. "Hi guys. Naku, pasensiya na kayo ha? Nagmadali kasi sila Lawrence at Randy. Eh kilala niyo naman ako, hindi ba?" wika ni Annie habang papasok sa van. "Oh siya, tayo na!" mabilis na wika Carina. At yumaon na sila. Samantalang nagdadaldalan sina Carina at Annie, hindi naman pahuhuli ang dalawang bagets sa likuran. "Hi, Renza. It's good to see you again," masayang bungad ni Reynold na panganay ni Carina at Arnold. May kadaldalan talaga ang isang ito. Mas matanda ito ng halos dalawang taon kay Renza. "Hoy Facundo! Parang ang tagal nating 'di nagkita ah," naiiritang tugon ni Renza. "Kung maka-Facundo naman ito, wagas! Reynold ang pangalan ko. Capital R E Y N O L D!" bumulyaw ito malapit sa tainga ni Renza bilang pagdiriin. "Awww!'' napatakip si Renza sa kaniyang tainga. ''Totoo naman ah! Sinabi ni mommy Facundo dapat ang ipapangalan niya sa'yo eh," depensa naman ni Renza. "Sige, mang-asar ka pa. Partner pa naman tayo mamaya. Eh kung magbackout kaya ako, sinong mapapahiya?" banta nito. "Okay lang, nagsawa na ako sa pagmumukha mo. Noon pa man partner na tayo sa lahat ng bagay. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?" "Hindi. Okay nga 'yon eh. Bakit ka naman nagsawa sa pagmumukha ko? Eh ang guwapo ko naman. Tingnan mo ako." Pinilit pa talaga siya Reynold para tingnan ang mukha nito. Maguwapo naman talaga si Reynold, medyo singkit ang mga mata at hugis-puso ang kurte ng mukha na namana niya sa nanay niya. Matangos ang ilong, balingkinitan at maputi ang balat na nakuha niya sa tatay niya. Sa sampung taong gulang na tulad niya, makinikinita na talaga ang perpektong anyo nito kapag umabot na siya sa hustong gulang. "Okay. Maguwapo ka nga, pero mayabang ka. Madaldal pa parang bakla,'' napangiwi pa siya sa mga huling nasabi kaya lalong napikon si Reynold. "Ano! Bakla? At ikaw, tomboy. Nakadress ka nga pero kung kumilos naman daig pa si Tito Lawrence." "Ah ganoon ah! Bakla! Bakla!" napikon na rin si Renza. "Tomboy! Tomboy!" nambelat pa si Reynold. "Ahhh!" Walang kaamug-amog ay sinabunutan ni Renza si Reynold. Nagulat naman ang mga magulang nila kung bakit nagkasakitan ang dalawa sa likod. "Ano ba 'yan? Stop it!" awat ni Annie. "Si Renza kasi eh," turo ni Reynold. "Hindi kaya. Ikaw nga itong epal eh," giit naman ni Renza. "Tama na! Magsorry ka kay Reynold," utos ni Annie. "Sorry," nakayukong sambit nito. Masunurin na anak naman itong si Renza. "Sorry din," tugon naman ni Reynold. At nanahimik na ang dalawa habang nasa biyahe. Hangang sa lumipas ang dalawa't kalahating oras, narating na rin nila sa wakas ang venue ng kasal. Wala na masyadong inayos sila Annie at doon na natulog ang kanilang mga tauhan na naghanda ng venue. Dahil dumadami na ang kanilang mga kliyente, nagdagdag na rin sila ng mga tauhan. Ang hawak na lang ni Annie ay wedding gown designs para sa couple at sa mga abay. Samantalang hindi naman magkamayaw sa pagkuha ng mga larawan sina Randy at Lawrence. Hangang sa nagsimula na nga ang seremonya. Sa pagkakataong ito, hindi na nagdeday-dreaming si Annie pero umiiyak pa rin siya. Bakit? Dahil kinikilig pa rin siya sa tuwing may ikinakasal. Napatingin pa siya sa asawa niya nang magexchange vow ang ikinakasal. Nagpakawala naman ng flying kiss si Lawrence nang masulyapang nakitingin sa kaniya si Annie. Ang sweet sweet talaga ng mag-asawang ito. Nakakaingit talaga! Hindi namalayang natapos na ang seremonya ng kasal. Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang naganap. Marami ang nakikisaya sa reception. Bongga din ang Italian cuisine na kinuha ng mag-asawa. May sayawan, kantahan at iba pa. Walang magpagsidlan ng kagalakan ang bagong kasal. "Terry! Congratulations!" Masayang bati ni Lawrence kay Terry. "Thanks, man! Sa wakas natuloy din ang kasal ko!" "Yeah!" Iyon lang ang tanging nasambit ni Lawrence dahil nakaramdam pa rin siya ng awkwardness sa pahayag ni Terry. Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sampung taong na ang nakalipas. Muntik nang ikasal sila Terry and Annie, pero mas nangibabaw ang damdamin niya kaya itinakas niya si Annie sa araw ng disperas ng kanilang naudlot na kasal ni Terry. Mabuti na lang at napatawad sila ni Terry. Nakaunderstanding talaga nito. "Nakakainggit ka nga eh. May 8 years old ka na." "Okay lang 'yan. Sana magkababy din kayo agad. I wish you all the best, man." Inilahad niya ang kamay dito. "Thanks, man!" tinangap naman ni Terry ang pakikipagdaop-palad ni Lawrence. At bigla namang sumulpot si Annie. "Nandito ka pala, hinahanap ka na ni Mila. Nawawala daw ang asawa niya," biro ni Annie. "Talaga? By the way, thanks for helping me in the most important day of my life," nakangiting wika ni Terry. "Our pleasure! Pasaan ba't naging magkaibigan tayo. Congrats!" "Thanks, Annie." "Oh hon, mauna na kami. Makikisabay ulit kami kina Carina. Hindi ba may ikocover pa kayo after this?" baling nito kay Lawrence. "Yeah. We are going to Terry's house para icover ang bahay ng bagong kasal." "Sige, mauna na kami hon at inaantok na si Renza. I love you, hon," humalik ito sa asawa niya. "I love you more, hon," tugon naman ni Lawrence. "Ingat kayo,'' wika ni Annie sa asawa niya saka bumaling kay Terry, ''Terry mauna na kami, ha?" "Sige. Ingat din kayo." Nagkaniya-kaniya na rin si Terry at Lawrence nang makaalis si Annie. May mga ilang bisita pa ang naiwan kaya inasikaso ito ng bagong kasal. Nang nag-siuwian na ang mga ito, saka pa nakahinga nang maluwag ang bagong kasal. Kaya nagkaroon na rin sila ng pagkakataon na icover ang bagong tirahan ng bagong kasal. Inabot din sila ng kalahating oras sa huling ginawang coverage. Lumipas ang apat na oras, hindi pa rin nakauwi si Lawrence. Panay text si Annie pero walang sagot. Nakailang tawag na siya pero out of coverage area. Nagsimula na siyang mangamba. Hindi ganoon ang asawa niya. Lagi itong naguupdate kung saan man siya naroroon. "Mom, nahihilo na po ako sa inyo," wika ni Renza sa nanay niya na paroo't-parito, "Sweatheart, si dad..." naputol na ang mga sasabihin niya nang may tumawag sa cellphone nito. "Hello hon. Saan ka na ba?" nag-alalang tanong niya. Pero hindi boses ng asawa niya ang sumagot. "Good evening. Kayo po si Mrs. Montemayor?" tanong ng nasa kabilang linya. "Y-yes, speaking,'' nauutal niyang tugon. "Mrs. Montemayor, huwag po kayong mabibigla. Dead on arrival po ang asawa niyo. Binangga po ang pick up niya ng trailer van na nawalan ng preno. Nandito ang katawan niya sa morgue ng JP Rizal Memorial Hospital..." Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sasabihin ng nasa kabilang linya dahil nakaramdam siya ng mainit na likidong umakyat hanggang sa kaniyang batok. Hanggang hindi na niya nakayanan pa ang nararamdamang emosyon at bigla siyang hinimatay. ****************************** Plug : Guys magpaplug si otor, hehe aside from writing stories, I write songs too. I have songs on iTunes, Spotify etc, please support me by downloading and listen to my song. It's a dance song, EDM.. Just search AZKHA. Thanks.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
344.2K
bc

Contract - Tagalog

read
754.6K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook