Chapter 6

1223 Words
Isang linggo na ang nakalipas mula nang makalipat si Renza sa studio ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang unang linggo niya. Nakapag-adjust agad siya sa madaliang trabaho nila. Hindi nga lang sila nakakapagkuwentuhan madalas ni Reynold dahil marami din itong tinatapos na gowns at wedding plan kaya medyo nalungkot din siya. Matagal na niyang gustong makakuwentuhan ang binata pero 'di pa rin sila nagkaroon ng panahon. Nang matapos sila sa photo shoot sa hapon ding 'yon, biglang dumating si Reynold sa venue. "Hey," nakangiting bati ni Reynold habang papalapit ito kay Renza. "Hi," tugon naman ni Renza. "Kumusta ang unang linggo mo as a professional photographer?" "Okay naman. Nakapag-adjust na rin ako," tugon ni Renza habang pinapasok ng Jenna ang mga gamit sa pick up ng tatay niya. "Do you have plans for tonight? It's weekend," wika ni Reynold habang pinagmamasdan ang kaibigang abalang-abala sa pagliligpit ng mga gamit. "Wala naman," tugon ni Renza. "Then let's have dinner together. We have a lot of catching up to do." Nabitawan ni Renza ang dala-dalang tripod dahil na gulat siya sa sinabi nito. Pakiwari niya'y nagyayaya ito ng date ,o kaya ay sadyang labis lang siyang mag-isip? "Ingat. Mabigat ba?" akmang aalalayan siya nito pero dali-dali siyang pumalag. "Okay lang. Nadulas lang talaga sa kamay ko," palusot niya. "So, ano na? Matagal na tayong 'di nagkakapagbonding eh. Sa studio niyo na lang tayo magbonding para tayong tatlo ni Jenna. Magluluto tayo," wika pa muli ni Reynold. "Ah, akala ko kaming dalawa lang. Kasama naman pala si Jenna," wika ni Renza sa sarili at nadismaya sa narinig. "O sige. Magandang ideya 'yan," tugon ni Renza. "Ayt! Sasabay na ako sa iyo para makapamalengke tayo." Hindi malaman ni Renza kung bakit naiilang siya habang katabi niya sa pick up ang kababata. Hindi naman isang beses sila magkatabi sa sasakyan pero ngayong dalaga't binata na sila, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang parang may gap sa pagitan nila na dati-rati'y wala naman. Dahil ba'y matured na sila? Masayang ang tatlo habang naghahapunan. Buti na lang madaldal itong si Jenna kaya hindi siya naiilang. Bawat pagkakataong nagkasulyapan sila ni Reynold, dali-dali niyang binabawi ang kaniyang paningin. Parang hindi niya matatagalan mga titig nito. "Guys, ngayon lang uli tayong tatlo nagkasama-sama uli after so many years," wika ni Jenna. "Oo nga. At marami ng nagbago," matabang na tugon ni Renza. "At ang nakakagulat ay malaki ang pinagbago niyo," wika muli ni Jenna saka bumaling ka Renza. "Ikaw, bigla ka na lang naging tomboy." Akmang sasagot si Renza para sagutin ito pero naunahan siya nito habang bumabaling ito kay Reynold. "At ang isang 'to, ang hinhin. Ateng..." Umastang bakla pa si Jenna kaya atawa na lang si Reynold sa inasta nito. "Grabe ka naman, ateng," tugon naman ni Reynold. Mukhang sinakyan ang kalokohan ni Jenna. Dahil sa sinabing 'yon ni Reynold, nakumpirma ni Renza na bakla nga 'to. Nanlumo siya ng puntong iyon. Nanghihiyang siya para sa maguwapong kaibigan. Hindi niya namalayang tulala na pala siya. "Hoy! Tulala ka ah! Sino ba ang girlet na 'yan?" tinapik siya bigla ni Jenna. "Ha?" tanging nasambit ni Renza. "Ay naku! Lutang, ateng," wika ni Jenna kay Reynold at sabay tumawa sila nang malakas. "Ano ka ba? May gagawin tayo sa kaniya. Sayang ang beauty niya eh. Gagawin natin siyang tunay na babae. Oplan Makeover!" masayang wika ni Reynold. Sa totoo lang, naiinis na si Renza sa dalawa. Ano bang akala ng mga 'to, tibo siya? Malaking kalokohan! Gayunpama'y hindi pa rin siya nagreact. Hinayaan niya na lang ang mga ito baka masira lalo ang Gabi niya. Nawalan na nga siya ng mood kumain eh. "Kaming bahala sa iyo ateng. Pagkatapos ng makeover, kami ang bahala na maghahanap ng date mo," wika ni Jenna kay Renza. Tumango-tango naman si Reynold bilang pagsang-ayon. "Hoy! Magsitigil na nga kayo. Ayokong mag-asawa," asik ni Renza sa dalawa. "Nasabi mo lang 'yan dahil hindi pa dumating si Mr. Right. Ayieee." Animo'y nakakain ng sampalok si Jenna sa kilig kahit 'di pa man nangyayari ang iniisip niya. "Korachi!" gumuhit pa ng check sa ere si Reynold. Lalong nainis si Renza sa nakita. Confirmed, talagang bakla nga! "Tama na. This is not funny, okay?" Tumayo siya bigla sa kaniyang kinauupuan at nagwalkout dahil hindi na niya nakayanan ang pagkayamot. Maliban doon, nalulungkot din siya sa katotohang bakla pala talaga ang dating maguwapong kaibigan at kababata niya. Dire-diretso siya sa kuwarto ng yumaong daddy niya at padabog na sinara ang pinto. "Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagreact nang ganoon? Bakit kung bakla siya, pakialam ko ba?" saway niya sa sarili at saka isinubsob ang mukha sa unan. Nakadama siya ng hiya nang mapagtanto ang ginawa niya. Childish. Iyon ang eksaktong termino para sa iginawi niya. Pero hindi na niya inintindi pa ang dalawa sa baba. Basta ang alam niya hindi niya nagustuhan ang itinuran ng dalawa. Maya-maya pa ay may kumatok sa kuwarto niya. Alam niyang ang kaniyang mga kaibigan ito kaya hindi siya umimik. Pero patuloy pa ring kumakatok ang mga ito kaya pinagbuksan niya na lang. "I'm fine, okay?" bungad niya sa dalawa. Medyo nagulat ang dalawa sa ibinungad niya kaya hindi agad nakareact ang mga ito. Pero pagdaka'y nagkatinginan ang mga ito at pagkuwa'y nagtawanan. "Wala pa naman kaming sinabi ah," wika ni Jenna pigil na pigil sa kakatawa. "Ah ganoon! Pinagtitripan niyo lang ako!" naiiritang tugon ni Renza dahil ang akala pa man din niya hihingi ang mga ito ng dispensa. Iyon pala, pagtitripan lang siya. "Ikaw naman oh, 'di mabiro. Sorry na oh. Hindi ka pa rin ba sanay sa amin? Pikunin ka pa rin hanggang ngayon," malumanay na wika ni Reynold habang hinakawan ang magkabilang balikat ni Renza para pakalmahin siya. Epektibo nga naman at parang naturukan ng tranquilizer si Renza sa pagkakahawak na iyon. Nagulat siya sa mala-kuriyenteng dumaloy mula sa mga kamay nito patungo sa buong katawan niya. "Sorry na oh. Umakyat lang kami kasi uuwi na si Reynold. Magpapaalam lang siya," wika naman ni Jenna. "Okay," maikling tugon niya dahil wala siyang mahagilap na sasabihin. "Pero gagawin ka pa rin naming tunay na babae," pahabol ni Reynold. Umiling-iling na lang si Renza sa kakulitan ng dalawa. "Umuwi ka na at gagabihin ka na masyado," wika ni Renza kay Reynold. "Opo, ma'am," wika nito at biglang yumakap kay Renza. Lalo tuloy na nanlamig ang buong katawan niya sa ginawa nito. Hindi niya inasahan na gagawin ito ni Reynold. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya niyakap ng lalaki maliban sa daddy at Tito Randy niya. Para siyang tuod na 'di makakilos. "Namiss talaga kita, ateng," wika ni Reynold kay Renza. Pagkarinig ni Renza sa salitang 'ateng', muntikan na niyang maitulak ang lalaki. Kung may kinasusuklaman man siyang salita ngayon, wala ng iba kung 'di 'iyon! "Okay na sana eh. May 'ateng' pa talaga eh," nanggigili siya. Pero natauhan din si Renza. Nadismaya siya. Hindi pa kasi nagsynch-in nang lubos sa utak niya ang katotohanang bakla nga pala ang lalaking ito, kaya kung makayakap ay basta-basta na lang. "S-Sige na. Umuwi ka na," wika ni Renza. "Ayt! Bye, ateng. See you tomorrow," wika nito habang kumakalas sa pagkakayakap kay Renza. "Tara, ihatid na kita sa baba," boluntaryo ni Jenna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD