Nagbago ng isip si Gino. Sa halip na si Roy ang sundo kay Lia, siya na mismo ang nagmaneho papunta sa condo nito. Hindi na rin niya sinuot ang coat at bow tie na balak sana niyang isuot. Isang simpleng white polo at slacks lang ang suot niya, pero kahit ganoon ay halatang pinaghandaan pa rin niya ang gabing iyon. Pagpasok niya sa condo unit ay siya ring paglabas ni Lia mula sa kwarto. Sandali silang parehong natigilan. Para bang huminto ang oras sa pagitan nila. Napako ang tingin ni Gino kay Lia. Napakaganda nito. Very light lang ang makeup niya, naka-updo ang buhok, at ang suot niyang damit ay sapat para ipakita ang natural nitong ganda—innocent ngunit may kakaibang pagka-sexy. Hindi niya namalayang nakatitig lang pala siya. Ngumiti si Lia, ngunit may mga luhang namumuo sa gilid ng

