Kinabukasan ay maagang nagising si Lia. Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad niyang naramdaman ang mainit na yakap na nakapulupot sa kanyang katawan. Paglingon niya ay nakita niya si Gino na mahimbing pa ring natutulog, nakasiksik ang mukha sa kanyang leeg habang mahigpit siyang yakap. Napangiti si Lia. Maingat niyang inalis ang kamay ni Gino na nakayakap sa kanya upang hindi ito magising. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa kusina. Tahimik ang buong condo habang nagsisimula siyang maghanda ng almusal. Nagsaing muna siya ng kanin, pagkatapos ay nagsalang ng kawali para magsangag. Kinuha niya ang daing at iniluto iyon kasunod ng itlog. Maya-maya ay kumalat na ang mabangong amoy ng pagkain sa buong unit. Habang ginagawa niya iyon ay hindi mawala ang ngiti sa kanya

