Lumipas pa ang ilang araw na halos hindi na umuuwi si Gino sa malaking bahay nila. Sa condo na siya halos tumutuloy. Ayaw na rin naman niyang iwan mag-isa si Lia, kaya mas pinili niyang doon na lang manatili. Samantala, napapaisip na rin si Roy dahil napansin niyang hindi na rin siya tinatawagan ni Gino para magpa-drive. Isang umaga, habang nasa kusina siya, napansin iyon ni Aling Remy. “Roy, si Boss Gino halos hindi na umuuwi dito ah,” sabi nito habang nag-aayos ng mga plato. “Opo nga po eh,” sagot ni Roy. “Gusto ko ngang tanungin kung kailangan niya pa ako.” “Sa condo na ata siya umuuwi.” “Hindi ko po sigurado. Hindi ko pa rin nakausap si Lia.” Tumaas ang kilay ni Aling Remy. “Sila na ba?” Napakamot si Roy sa ulo. “Hindi ko po alam eh.” “Bagay naman sila,” nakangiting sabi ng

