Dumaan muna sa mall si Gino bago umuwi sa condo. May dala siyang take-out na burger. Balak niyang gawing simpleng burger night ang gabi nila ni Lia. Pagbukas niya ng pinto, sakto namang palabas si Lia ng banyo. Basa pa ang buhok nito at nakatapis lamang ng tuwalya. Napangiti si Gino. “Hi,” mahina niyang bati habang ibinababa ang dala. Lumapit siya kay Lia at marahang hinapit sa bewang. Hinawakan naman ni Lia ang kanyang pisngi, tila sinusuri ang pagod sa mukha niya. “Kamusta naman ang Gino ko?” tanong nito. “Ayos lang,” sagot niya habang sumisinghot sa buhok nito. “Ang bango naman ng Lia ko.” Napangiti si Lia. “Pagod ka ba?” “Hindi masyado.” Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa magdikit ang kanilang mga labi. Hindi iyon basta halik lamang—punong-puno iyon ng lam

