Pagkahatid ni Roy kay Gino sa opisina, agad siyang nagpaalam. “Boss, pwede ko bang dalawin si Lia? Sandali lang.” Saglit siyang tinitigan ni Gino bago tumango. “Sige. Basta bago mag-alas singko, nakabalik ka na dito.” “Opo, Boss.” Diretso si Roy sa condo. Ilang ulit siyang kumatok. Medyo matagal bago bumukas ang pinto. “O, tol. Napadaan ka?” bati ni Lia. Hindi agad sumagot si Roy. Tinitigan muna niya ito mula ulo hanggang paa, parang may hinahanap na bakas ng kung ano. Dumiretso siya sa loob at naupo sa sofa. Sumunod si Lia at tumabi sa kanya. “Anong problema mo?” tanong niya. “Hoy, babae,” seryosong sabi ni Roy. “Magtapat ka nga sa’kin. Anong pinaggagawa n’yo ni Boss?” Napaangat ang kilay ni Lia. “Grabe ka. Wala kaming ginagawang masama, noh.” “Dalawang araw kayong magkasama. Ka

