Isang linggo ang ginugol ni Mia sa pagtuturo kay Lia kung paano kumilos bilang isang prim and proper na babae. At nakakagulat, mabilis matuto si Lia. Ngunit para kay Gino… hindi sapat ang pagbabago sa panlabas. Kailangan ko siyang makilala… Alas-sais pa lang ng umaga, nasa condo na siya. Tahimik siyang nakaupo sa sofa, ang mga mata ay nakatuon sa kawalan habang hinihintay ang dalaga. Ilang sandali pa— Bumukas ang pinto ng kwarto. At doon siya napatingin. Lumalabas si Lia mula sa banyo… nakatapis lamang ng tuwalya. Basa ang kanyang buhok, at ang patak ng tubig ay marahang dumadaloy pababa sa kanyang balikat. "Ay!" gulat ni Lia, napaatras. "Nakakagulat ka naman!" Hindi agad nakapagsalita si Gino. Nanatili lang siyang nakatitig. Parang may kung anong pumipigil sa kanya na ibaling

