CHAPTER 7 – NGITI Pagdating nila sa Star City, magbubukas pa lamang ito kaya sakto ang dating nila. Presko pa ang hangin, kakaunti pa lang ang tao. Parang buong amusement park ay para lang sa kanila. Nag-ikot sila sa tiangge, tumingin sa mga paninda, sumilip sa mga rides na unti-unting nag-iingay habang sinusubukan. Si Lia, parang batang unang beses nakakita ng mundo—nagniningning ang mga mata, ang ngiti abot hanggang tenga. Tahimik lang si Gino, pero hindi maikakaila—nakatingin siya kay Lia na parang siya ang pinaka-masayang tanawin doon. “Gino, sumakay tayo sa Vikings!” excited na aya ni Lia. “Ayoko. Ikaw na lang. Ibibili kita ng ticket.” “’Wag na lang. Wala naman akong kasama…” nagtatampong sagot niya, sabay tingin sa ride na parang iniwan siya ng mundo. Napabuntong-hininga si Gi

