Pagkauwi nila ng bahay, agad na dinala ni Gino si Lia sa kanilang kwarto. Marahan niya itong inalalayan hanggang sa makaupo sa gilid ng kama bago tuluyang humiga. Tahimik na kinuha ni Gino ang pambahay ng asawa. “Lia, tara… magbihis ka muna,” malumanay niyang sabi. “Ako na,” sagot ni Lia habang dahan-dahang umuupo muli sa kama. Inalalayan na lamang siya ni Gino habang nagbibihis. Nang matapos, napangiti si Gino at marahang hinalikan si Lia sa labi—isang halik na puno ng pag-aalala at pagmamahal. “Asawa ko… dito ka lang sa tabi ko, please?” bulong ni Lia sa pagitan ng halik. “Sige… tatawagan ko lang si Sheila. Sasabihin kong hindi muna ako papasok at icacancel ko lahat ng appointments ko.” Tinawagan nga ni Gino ang sekretarya niya. Samantala, tumayo si Lia at kumuha naman ng pambahay

