Chapter 1 - Ang Simula

877 Words
CHAPTER 1 – ANG SIMULA Iba, Zambales Nagising si Roy nang 4 a.m., maaga siyang aalis. Kailangan bago mag-alas otso ay makarating siya sa Maynila. Natutulog siya sa sofa, habang si Lia ay nasa kwarto. Habang inaayos ni Roy ang gamit, nagising si Lia at lumabas sa kwarto, pupungas-pungas pa. "Tol, aga mo ahh," bati nito. "Naku, tol, kailangan ko maagang makaalis eh. Baka ma-traffic ako. Kailangan bago mag-8 makarating ako sa bahay ng boss ko, mapapagalitan nanaman ako nun." "Ganun ba? Nag-almusal ka na ba?" "Hindi na tol, bibili na lang ako ng tinapay." Tumayo na siya. "Tol, alis na ako. Mag-iingat ka dito ah." "Tol, yung sinabi ko sa’yo, isama mo na lang ako sa Maynila." Lumapit ito kay Lia. "Dun lang ako sa boss ko tutuloy eh. Hayaan mo tol, hahanap ako ng puwede nating upahan sa Maynila, para hindi na rin ako bumibiyahe every weekend. Medyo mahirap kasi ang traffic. Tapos lilipat tayo at dun ka na rin maghanap ng trabaho." Tumango lang si Lia. "Sige na, tol. Aalis na ako. Tol, maliligo ka ah, baka mamaya porket andito ka lang sa bahay hindi ka naliligo," biro pa nito. "Tarantado! Palagay mo sa akin? Ikaw? Sige na, lumayas ka na, ingat!" at lumabas na si Roy ng pintuan. Naupo si Lia sa sofa. Halos tatlong buwan na mula nang magsara ang bahay-ampunan. Napunta siya doon nung sampung taong gulang pa lamang siya, dinala siya ng tiyahin mula nang maulila sa magulang. Ngunit hindi niya kayang buhayin siya ang tiyahin dahil marami na rin itong anak. Mula nung dinala siya sa ampunan, hindi na rin niya nakita ang tiyahin. Minsan may nag-ampon sa kanya, pero minaltrato lang siya ng mga ito, ginawa siyang katulong at hindi pinapakain. Kaya tumakas siya at bumalik sa ampunan, nakiusap na huwag na lamang siyang isama sa mga batang ipapaampon. Tutulong na lang siya sa orphanage. Si Roy naman ay galing rin sa ampunan. Halos sabay silang lumaki at parang magkapatid ang turingan. Binalikan naman si Roy ng tiyuhin niya sa ampunan, pero maaga itong namatay. Kahit namatay na ang tiyuhin, hindi siya nakalimot sa mga tao doon. Kaya nung nagsara ang ampunan, si Roy ang umampon sa kanya at pinatira siya sa bahay nito. Lagi naman itong wala dahil sa Maynila nagtatrabaho bilang personal driver ni Gino Jose Montefalco, sobrang yaman ng amo pero ayaw ng bodyguard. Iniwanan siya ni Roy ng pera tuwing uuwi siya sa weekend. Ayaw sana ni Lia tanggapin, pero mapilit si Roy. Kaunti na rin kasi ang pera niya, kaya gusto niyang maghanap ng trabaho. Nakahanap naman siya ng trabaho bilang tindera sa palengke, pero napapaaway lang siya dahil madalas siyang kursunadahin ng mga kargador. Minsan nga, sinuntok niya ang isang kargador dahil hahalikan siya—pinahuli siya pero hindi nakulong dahil pinagtanggol lang niya ang sarili. Marami rin ang nagsasabi na sayang siya kasi tomboy siya, pero sa totoo lang gusto rin niya ng gamit pangbabae. Mas convenient lang sa kanya ang t-shirt na maluwag, shorts at pants, lalo na’t wala siyang trabaho. Mas maigi pang isipin ng mga tao na tomboy siya. Alam naman ni Roy ang totoo at pinag-uusapan lang sila ng mga kapitbahay mula nang iuwi siya ni Roy sa bahay nito. Commonwealth, Quezon City Maagang bumangon si Gino. Kailangan niya pang i-review ang ipapresenta sa meeting mamaya kasama ang ibang executive ng kumpanya. Si Gino Jose Montefalco, anak ni Ramon Montefalco at namatay na ang ina niyang si Camila nang ipanganak siya, ay lumaki na malapit sa ama. Si Gino ay kamukha ng ina, at mula pagkabata ay sila lamang mag-ama. Nasa 4th year high school si Gino nang magustuhan niya si Roxanne, anak ni Lucas, kasosyo ng ama sa negosyo. Mahal na mahal niya si Roxanne, pero isang araw ay nakita niya itong nakikipaghalikan sa kaklase. Sakit na hindi niya malimutan, at pinagtawanan pa siya ni Roxanne. Alas-siyete pa lang nakarating sa bahay ng amo si Roy, dumiretso sa kwarto para ilagay ang gamit at pumasok sa kusina para magkape. Binigyan siya ni Aling Remy, ang mayordoma sa bahay: "O Roy, uminom ka muna ng kape. Gusto mo bang kumain muna? Wala pa naman si Sir Gino." "Naku, wag na po, busog pa naman ako. Nakakain naman po ako habang bumabiyahe," sagot ni Roy. "Hmmm… wala iho, bakit? Eh libre tira ka naman dito," sabi ni Aling Remy. "Kasi po, yung kababata ko sa Zambales, gustong maghanap ng trabaho dito sa Maynila." "Ganun? Wala ba siyang kamag-anak malapit dito?" "Ulila po yun, kasama ko yun na lumaki sa bahay ampunan sa Zambales." "Yun ba yung kinukwento mong kababata mo na nakatira sa bahay mo ngayon kaya rin weekly kang umuuwi sa Zambales?" "Opo, siya nga po." "Sigurado ka bang wala kayong relasyon nun?" "Naku, wala po talaga, parang kapatid ko na lang talaga yun," sagot ni Roy. Ngunit kumpleto na raw ang staff, kaya hindi puwede manirahan si Lia dito. Pagkatapos, lumabas si Roy para punasan ang sasakyan. Maya-maya, lumabas si Gino, naka-coat at tie, handa na sa trabaho. "Roy, let's go," ani nito habang bumabiyahe. Nakatuon si Gino sa tablet, nagbabasa ng documents. Lagi siyang iniiwanan ni Roy ng 500 pesos para pangkain niya, kaya nakakaipon rin siya. Bukod pa dito ang sweldo na natatanggap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD