CHAPTER 2 – PAGTATANGKA
Lumipas ang buong linggo. Alas-diyes ng umaga, nakarating si Roy sa Zambales. Sobrang traffic at wala nang nasakyan, kaya naglakad na lang siya papunta sa bahay.
Malapit na siya nang makita si Lia, tumatakbo palabas ng bahay, may kasunod na lalaki na humahabol sa kanya. Nang makita siya ni Lia, agad siyang sumugod at sinuntok ang humahabol.
Si Lia naman ay iyak ng iyak. Lumabas ang kapitbahay at inawat si Roy. Nilapitan si Lia ni Lola Cora, at napansin ang punit na tshirt niya. Agad itong binalot ng balabal ni Lola Cora.
Dinala nila sa barangay ang lalaki — si kargador pala ito na sinuntok ni Lia sa palengke. Sinamahan sila ni Lola Cora hanggang makauwi. Malapit ang matanda sa kanila; noong nakaraang dalawang buwan, siya at si Roy ang nag-alaga kay Lia nang magkasakit ito.
Pagdating sa bahay, pinaupo ni Lola Cora si Lia sa sofa at tinabihan siya. Nakakapit pa rin ang balabal sa punit na tshirt, habang luha-luha si Lia.
Si Roy ay kumuha ng upuan at umupo sa harap ni Lia.
"Tol, Lia, hindi na kita pwedeng iiwan dito. Isasama na lang kita sa Maynila. Bahala na," ani Roy.
"Gusto mo iho, dun muna siya sa akin kapag wala ka," suhestyon ni Lola Cora.
"Wag na ho La, baka madamay pa po kayo," tugon ni Roy.
"Tol, salamat ah… akala ko talaga katapusan ko na," naiiyak na sabi ni Lia.
"Alam mo tol, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sayong masama."
Yumakap si Lia kay Roy. Kinabukasan, umalis na sila ng Zambales at tumuloy sa bahay ng amo ni Roy sa Maynila.
Pumunta muna si Roy sa kwarto at idinaan si Lia sa likod. Dumaan sila sa laundry area at iniwan si Lia doon. Maya-maya, may sumilip sa laundry area—si Aling Remy, naghahanap.
Napatingin siya sa babae. Bagamat nakasuot ng maluwag na tshirt si Lia, mababakas pa rin ang kagandahan nito. Bigla niyang naramdaman ang kakaiba sa puso niya. Lumapit siya sa pinto papuntang laundry area.
"Who are you?" ani niya.
Nagulat si Lia, nakatingin lang sa kanya at hindi makapagsalita. Lumapit siya, pero nanatiling tahimik si Lia. Mas maganda ito sa malapitan.
Biglang dumating si Roy. "Boss Gino… Pasensiya na po. Si Lia po pala, kababata ko po, galing po kaming Zambales."
"Wait… don’t tell me nagtanan kayo," sabi ni Gino, halatang ayaw marinig ang bagay na iyon. Nagkatinginan si Roy at Lia.
"Boss, hindi po… kababata ko po siya. Pero may nangyari kagabi, kaya nagdesisyon po akong isama siya dito. Tutal, dayoff ko pa rin naman, aalis po muna ako para makahanap ng matutuluyan niya," paliwanag ni Roy.
"Wala siyang matutuluyan?" tanong ni Gino.
"Wala po Boss… biglaan po kasi ang punta namin dito."
"Papasukin mo muna siya sa loob para makakain, then follow me sa office ko," utos ni Gino.
"Opo, Boss," tugon ni Roy, at tumalikod.
"Tol, yun ba boss mo?" tanong ni Lia.
"Shhh… wag kang maingay. Oo, siya si Boss Gino. Sige, samahan kita sa loob, papakilala kita kay Aling Remy," sabi ni Roy.
Pumasok sila at agad nakita ni Lia si Aling Remy.
"O Roy, anong ginagawa mo dito? Sino yang kasama mo?" tanong ng mayordoma.
"Aling Remy, si Lia po, kababata ko na sinasabi ko po sa inyo," sagot ni Roy.
"Susmaryosep… ang gandang bata naman niyan Roy! Eh anong ginagawa niyo rito?"
"Naku, puntahan ko muna si boss. Nakita na niya kasi si Lia, ikaw na muna ang bahala sa kanya," paliwanag ni Roy.
"O siya, sige… puntahan mo na si Sir Gino," sabi ni Aling Remy.