Chapter 38

986 Words

CHAPTER 38 – LAYAS Nagpunta si Lia sa mall upang bumili ng mga gamit ni Camille. Si Mang Pol ang nagmaneho para sa kanya. Matapos mamili, naisipan niyang ipag-takeout ng tanghalian ang asawa—isang simpleng gesture ng pag-aalaga na matagal na niyang hindi nagagawa. Pagdating sa building, diretso siyang umakyat sa opisina ni Gino. Sumenyas lamang siya kay Sheila, na agad namang tumango bilang pahintulot. Ngunit sa sandaling binuksan niya ang pinto— Parang gumuho ang mundo niya. Magkayakap sina Gino at Roxanne. At sa isang iglap, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Agad naghiwalay ang dalawa nang mapansin siya. “Lia… let me explain,” nagmamadaling sabi ni Gino. Napatawa si Lia—isang mapait, masakit na tawa. “Ano pang ie-explain mo, Gino?” “Wala kaming ginagawang masama.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD