CHAPTER 37 – DECISION Medyo maaga nakauwi si Gino nang araw na iyon. Lingid sa kaalaman ni Lia, pansamantala siyang humingi ng tulong kay Roxanne para sa restaurant. Ayaw muna niyang ipaalam ito kay Lia upang maiwasan ang gulo. Hindi man niya gustong magpatulong, si Roxanne naman ang nag-alok. Isa pa, matagal na rin niyang hindi nakakasama ang anak—natatakot siyang baka hindi na siya nito makilala. Pagpasok niya sa kwarto, nadatnan niya si Lia na nakaupo sa gitna ng kama, nakatingin sa nakabukas na TV ngunit halatang malayo ang iniisip. Ni hindi nito napansin ang pagdating niya. Lumapit siya at tumabi rito. Saka lang siya napansin ni Lia, at tila nagulat pa. “Andito ka na?” “Oo,” sagot niya sabay halik sa labi ng asawa. “Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” “Kasi…” “Ano ’yon?” “P

